Tuesday , December 24 2024
Andrew E

Andrew E, naging icon at nagmarka sa mundo ng showbiz dahil sa ‘Humanap Ka Ng Panget’ 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KINIKILALA bilang isang icon si Andrew E. sa mundo ng showbiz. Mula sa pagiging rapper ay nakagawa rin siya ng maraming pelikula at lahat ng ito ay nagsimula via his monster hit song, na ‘Humanap Ka Ng Panget’ (HKNP).

Although kilala at maraming naging hit songs si Andrew gaya ng Huwag Kang Gamol, Binibirocha, Banyo Queen, Stupid Love, Alabang Girls, Andrew Ford Medina at iba pa, ang kantang Humanap Ka Ng Pangit ang tila nagtakda ng destiny ni Andrew para magmarka nang husto sa entertainment industry.

Mahaba at interesting ang kuwento ng Pinoy Rap Master hinggil sa awitin niyang HKNP.

Sa panayam ng ilang officers ng TEAM (The Entertainment Arts & Media), nabanggit ni Andrew na sariwa pa sa kanya ang unang presscon ng Viva sa platinum award ng HKNP.

Aniya, “I still remember that, fresh na fresh in my mind. From that point to this point, walang pinagbago. Iyong pagmamahal ng press at ang pagmamahal ko rin sa press, walang pinagbago.

“In fact sabi nga nila, ang palaging notion nila noon, ‘Memorize-in mo naman ang mga pangalan namin’. Pero ganoon pa rin ako, walang pinagbago, hindi ko pa rin na-memorize. Sa dami kasi ng press,” nakangiting sambit pa ni Andrew.

Nabanggit niya ang mga pinagdaanang hirap noong nagsisimula pa lang siya. Esplika niya, “Alam nyo kasi, once upon a time, ako ay nangarap din. And it so happened na katulad ng lagi kong sinasabi, in five hundred rejections… nakatikim ako ng rejection, ng failure, ng pag-a-audition ng 500 times, mahigit. In five years i-divide mo iyon, lalabas na parang every three or four days nag-a-audition ako sa buhay ko. And all of them ay rejection, lahat failure, wala akong ipinasa kahit isa.”

Ang daughter daw ni Ramon Jacinto na si Lucia, ang nag-recommend sa kanya. “That’s the time na wala akong sinalihang audition, pero kinuha ang demo tape ko.” Pero naikuwento nga ni Andrew na ‘suko’ na siya at balak niyang magtrabaho na lang ng white collar job sa Makati.

Alam niya raw na ang suweldo niyang two thousand ay hindi kayang ipambuhay ng pamilya dahil ang minimum wage raw kasi noon (1990) ay P4,500.

“Sa Euphoria na nagtatrabaho ako ay two thousand persos a month, pero kapag nag-rap ka,  kumanta o nag-MC at nag-alisan ang mga tao sa dance floor, may multa na P50 a night.”

Kaya sa pagiging rapper for five years, susubukan niya ang kanyang suwerte sa pagiging US Navy. June 30, 1990 nang kumuha siya ng exam sa Subic, “Six months before Humanap Ka Ng Panget came into being,” sambit ni Andrew.  

Ang mapipili sa halos 500 applicants ay twenty lang daw, kaya after ng exam ay kompiyansa si Andrew dahil madali lang naman daw ang exams (99% plus daw siya sa NCEE – National College Entrance Examinations). Ang mga kasama niyang bumagsak ay nag-iiyakan daw, pero nagulat siya na hindi rin pala siya nakapasa.

Bago lumabas si Andrew sa examination area, hinarangan daw niya ang pinto at nagdasal siya, “Lord, kapag ako ay lumabas sa pintuang ito, Kayo na po ang bahala sa akin.”

After nito ay bumalik na raw sila ng kanyang erpat sa hotel nila (Diamond Inn) at kinuha ang mga gamit nila para umuwi na. Nang paakyat daw sila ng lobby, may pababang isang black serviceman at isang GRO. Sa gitna raw ng hagdan ay may nakahambalang na lasing na walang malay, kaya pareho silang hindi makaraan. Kaya inayos ni Andrew ang porma ng lasing para makadaan sila.

Kuwento pa ni Andrew, “Eh nagising, hinampas niya iyong puwet ko, ang lakas! Pero hindi pala siya galit, akala ko galit siya, hindi pala, natutuwa siya. So paghampas niya sa puwet ko, biglang sabi niya, ‘Hahaha! Kita mo o, humanap siya ng panget!'”

Kaya pagsakay daw nila ng bus ng erpat niya pauwi, sa buong biyahe nito ay isinusulat niya ang kantang Humanap Ka Ng Panget.

Kuwento pa ng mister ni Ms. Mylene Espiritu, “Same night, may trabaho ako sa Euphoria, same night minemorize ko, same night binanatan ko iyong lyrics on a generic disco beat. Ito yung sinasabi ko sa inyo na nag-alisan ang mga tao…

“And kung babasahin mo nang forward, ang mababasa mo ay ganito, ‘Oo nga binigyan ka ng tadhana ng chance na marinig iyong lasing na, ‘Kita mo humanap siya ng panget!’. Binigyan ka ng chance ng tadhana na mag-exam sa US Navy… Pero para saan, e nang kinanta ko noong gabi, nag-alisan ang mga tao, ayaw nila…

“So ibig sabihin hindi iyon yung gift, kung iyon ang gift ng tadhana sa iyo para umasenso ka, hindi ganoon. Kasi binasa mo nang pa-forward.  Pero kung babasahin mo nang pa-backward… kaya ka binigyan ng exam, para ma-meet mo iyong black serviceman at paluin ka ng lasing at sabihin sa iyo na humanap ka ng panget… na on that night ay mado-downheart ka, dahil nag-alisan ang mga tao. Pero ang basa roon in reverse, kasi kinanta mo sa maling crowd!

“Pero kung kakantahin mo ito sa tamang crowd, iyon ang gift dyan. Iyon iyong HKNP nang narinig ng Philippines, nang kinanta mo sa tamang crowd. Na nagsasabing, ‘Huwag kang mag-aalala sa iyong kaanyuan, ang mahalaga ay ang iyong kalooban’. At iyon ang nag-uplift sa mga Filipinong nakarinig niyon, iyon ang nagmahal sa iyo, iyon ang nagbigay sa iyo ng pangalan, iyon ang nag-solidify sa iyo, at iyon ang nagbigay sa iyo ng katanyagan, ang kantang iyon,” mahabang pagbabalik-tanaw pa ni Andrew.

And the rest, ‘ika nga nila, is history.

Incidentally, kaabang-abang ang December 11, 2024 concert ni Andrew titled ‘1 Time For Your Mind’ na gaganapin sa New Frontier Theater.

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …