Friday , April 18 2025

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIG
ni Bong Ramos

SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang tanong ay kung may nareresolba ba naman?

Sa nasabing mga hearing, imbestigasyon o inquiry, tuwina laging nasa limelight ang ilan mga senador at kongresista. Ito ay segun sa binibitawan nilang salita at tanong, kung ito ba ay may sustansiya o wala.

Kanya-kanyang pasikatan , estilo ng pagtatanong at palundagan sa tuwinang magkakaroon ng ganitong kaganapan.

Katakot-takot na eskrimahan ng laway ang namumutawi sa pagitan ng mga senador at kongresista laban sa mga taong nakasalang, resource person/s at iba pang kumbidado ng bawat committee.

Kung minsan ay sila-sila na ang nagkakapikonan hanggang hinahamon na ang isa’t isa, nagmumurahan hanggang umabot sa sukdulan na sila ay muntik nang magsuntukan.

Kung sa bagay ay hindi basta-basta at mahirap din talaga ang kanilang pinagdaraanan sa buong araw na kung minsan ay inaabot pa ng dilim.

Nandoon na ang pagod, pag-iisip, tiyaga at pagpipigil sa kanilang mga sarili depende sa itina-tanong at isinasagot ng kanilang iniimbestigahan.

Meron kasing mga pilosopo, sinungaling, na kung minsan ay sila na ang pinapaikot at iniimbestigahan. Dito na sila nai-stress at dito na rin nasusukat ang kanilang pagtitimpi o self-control.

Kadalasan ay nawawala na ang kanilang composure at pagiging kalmado hanggang humantong sa pagko-contempt ng nakasalang bilang huling rekurso.

‘Di gawang biro ang kanilang danas sa bawat pag-dinig dahil hindi naman karaniwang tao ang kanilang iniimbestigahan. Halos lahat ay high-profile, maraming koneksiyon at makapangyarihan.

Siguradong hindi mawawala ang banta sa kanilang buhay at pamilya dahil bukod sa makapangyarihan ay marami rin pera, kompleto ang makinarya ‘ika nga.

Ilang halimbawa ng mga taong kanilang iniimbestigahan ay sina Vice President Sara Duterte, ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, Senador Bato de la Rosa at marami pang iba.

Sa rami ng mga taong kanilang isinasalang, halos wala na silang oras para sa kanilang sarili at pamilya. Meron din namang kasong naresolba tulad ng kaso nina dating Bamban Mayor Alice Guo at Pastor Apollo Quiboloy na ngayo’y nakapiit at sinampahan na ng mga kaukulang kaso sa korte.

Kung tutuusin, mas maraming kaso ang hindi pa tapos at hindi pa nauumpisahan dahil hindi na sumipot at may status na at-large ang mga inimbitahang resource person/s.

Ilan sa kanila ay sina dating congressman Arnie Tuadles, dating BuCor Chief Gen. Gerald Bantag, dating Presidential Spokesperson Harry Roque at marami pang iba.

Wala namang ibang hinahangad ang sambayanan kundi maresolba at magkaroon ng resulta ang ang mga kasong pinag-ukulan nila ng oras at panahon.

Harinawa’y huwag masayang ang sandamakmak na laway at sintimiyentong naubos sa Senate at House hearing. Sayang nga naman ang oras, abala at panahon na ginugol dito kung wala rin magiging resolusyon.

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …