Sunday , December 22 2024
Francine Diaz Malou de Guzman 2

Malou de Guzman proud makasama si Francine Diaz sa advocacy film na ‘Silay’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG pelikulang Silay ay isang advocacy film na nagpapakita kung gaano kahalaga ang edukasyon sa lahat.

Tinatampukan ito ng veteran actress na si Malou de Guzman at ng young actress na Francine Diaz. Sa pelikula ay gumaganap silang maglola na bata pa lang ay pinalaki at inaruga ang huli ng kanyang lolang si Silay, nang namatay ang kanyang ina.

Kahit may maayos na tindahan ng mga gulay sa palengke at isa ng senior citizen, naisipang muling mag-aral ni Silay dahil nagkaroon ng programa sa kanilang lugar na Balik-Eskuwela nina Lola at Lola.

Kahit may isang schoolmate na alaskador at madalas buskahin si Silay dahil mga bagets ang kamag-aral niya, samantalang siya ay isang lola na,

hindi niya ito pansin at seryoso siyang naka-focus sa pag-aaral. Kahit tindera pa rin sa palengke at may iniinda na sa katawan.

Habang papalapit ang graduation ay excited na si Silay ngunit dito mangyayari ang twist ng kuwento.

Bukod kina Malou at Francine, tampok sa pelikula sina Manila Vice Mayor Yul Servo, Ramon Christopher, Long Mejia, Joni Mcnab, Rob Sy, Krista Miller, Jervin Mendoza, Rain Perez, at Emilio Garcia. Introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.

Sa Q & A matapos ang film showing na ginanap sa Trinoma cinema recently, nagpahayag ng pasasalamat ang dalawang bida rito.

Wika ni Ms. Malou, “Salamat sa Maykapal at nabiyayaan tayo, gawa ng ating producer na bukod na pinagpala… ay pinagpala rin para bumuo ng isang pelikulang harinawa ay maka-inspired o makapagpa-alala sa atin ng kahalagahan ng edukasyon.”

Ano ang reaction niya na ang kanyang support ay isang teen actress na tulad ni Francine?

Esplika ni Malou, “Malaking kagalakan po iyon na kasi, kung tutuusin, ‘Wow, sa edad kong ito hindi ba, title role!’ At ako’y pinalad na kumbaga ay nagkaroon ng pagkakataon na isang ganitong maningning na artista ang siyang susuporta sa akin. At talagang nagpapasalamat po ako sa pagkakataong iyon and I’m very proud na sa movie na iyon ay kasama ko siya.”

Pahayag naman ni Francine, “Siyempre po sa bumubuo ng Silay, maraming-maraming salamat po sa opportunity na ito. It’s another blessing siyempre and it’s an honor para sa akin na makatrabaho si Tita Malou.

“Ginalingan ko po talaga, dahil baka mapalo niya ako sa puwet, lagot ako kapag hindi ko ginalingan dito,” pabirong sambit ni Francine. 

Pagpapatuloy pa niya, “Salamat po sa pagpunta kasi alam naman natin na ang panahon ay hindi maganda, pero nagbigay po kayo ng time para sa aming lahat. Sana po hindi iyon nasayang, sana po ay nagustuhan ninyo ang pelikula namin. Sana rin po ay marami kayong napulot na mga aral.

“Obvious naman po, klaro sa istorya namin, para sa lahat po ito, hindi lang sa mga bata or pang-matanda.”

Anong nagtulak sa kanya para tanggapin ang movie kahit ang title role ay si Ms. Malou de Guzman?

Esplika niya, “Para sa akin naman po, ang nagma-matter talaga kapag tumatanggap ng mga proyektong ino-offer sa akin, iyong lessons na makukuha rin ng mga audience. Siyempre bukod po sa gusto nating mag-entertain at ipakita rin kung anong talents mayroon kami, gusto rin namin na mayroon silang matutunan sa pinapanood nila. 

“Lalo na po na maganda ang kuwento, na nagbibigay inspiration siya na mag-aral mabuti… Na hindi hadlang ang edad basta matututo tayo. Parang, there’s no limit in learning,” pakli pa ni Francine.

Ang pelikulang Silay ay hatid ng Mace Ascending Entertainment Productions na pag-aari ng producer na si Ms. Rachelle Umandap. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Greg Colasito.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …