Sunday , December 22 2024

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government (LGU) pagdating sa inobasyon para sa patuloy na pag-uunlad ng lungsod para sa milyong QCitizens.

Bakit naman? Ano lang naman, muling humakot ng parangal (pagkilala) ang QC government. Nakapagtataka pa ba ang pakilala sa Kyusi na nasa ilalim ng liderato ni Mayor Joy Belmonte? Hindi, at sa halip ay masanay na po tayo dahil, hindi tiyak na may mga susdunod pang pagkilala sa QC. Asahan niyo iyan!

Ang  nakabibilib sa pinakahuling parangal na tinanggap ni Mayor Joy ay ‘back-to-back’ pa  – tama  dalawa mula sa Galing  Pook Awards at  Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

“Tayo’y nagpapasalamat sa mga napakahalagang pagkilala na iginawad sa ating siyudad nitong mga nakaraang araw,” saad ni Belmonte.

‘Ang mga parangal na ito’y matibay na patunay na epektibo ang mga ginagawa nating programa para sa QCitizens at para sa paglago ng ekonomiya ng ating lungsod,” dagdag ng Alkalde.

Nitong Oktubre October 25, kinilala  ang  Quezon City Birth Registration Online (QC BRO) program bilang isa sa 10 nagwagi sa  2024 Galing Pook Awards, sa ginanap na awarding ceremony sa  Malacanang kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panauhing pangdangal.

Simula nang ipatupad noong 2022 ang programa – QC BRO naibsan ang hirap o pasanin ng pamilya QCitizens sa pagkuha ng kanilang birth certificate ng kanilang mga anak. Simula nang iimplementa ang programa ay  mahigit sa 59,000 mga bata ang nairehistro ng walang ano man nagamit na pondo. 

Simula nang itatag ang  QC BRO sa pamamagitan ng  City Ordinance SP-3198, S-2023, nag-uutos sa mga  hospital at birthing facilities sa lungsod, ang sistema ng QC BRO  naging consistent at efficient ang  birth registration sa buong lungsod.

Naging epektibo din ang programa para maging pangunahing mapagtitiwalaan datos para sa mga local government agencies, tulad ng City Planning, Health, Gender and Development, at  Social Services.

Maliban sa QC BRO, ang  Quezon City government ay kabilang sa finalist para sa 2024 edition ng Galing Pook Awards, ang  Human Milk Bank Program, kung saan naging finalist noong 2020.

Kinilala ng Galing Pook Awards ang  outstanding at innovative programs ng local local government units. Noong 2020, ang  GrowQC urban agriculture program ay pinarngalan noong 2023, at ang QC risk monitoring and early warning system IRise UP ay kinilala din ng Galing Pook awardee.

Kamakailan lang, ang lokal na pamahalaan ay tumanggap ng parangalan na “Most Business-Friendly LGU” para sa magkasunod na dalawang taon para sa highly urbanized cities category mula sa PCCI.

Ang Quezon City government sa pamamagitan ng Business Permits and Licensing Department (BPLD), Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO), at ibang department members ng  Economic Development and Investment Board (EDIB) ay naging naaalinsunod sa economic development ng lunghsod sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa , inobasyon, at system upgrades. Kabilang dito ang aggressive digitalization ng  permits at document processing, MSME development, at iba pang financial at training support.

Sa datos, simula Enero hanggang ngayon Oktubre 2024, nakapagtala na ang LGU ng mahigit sa 9,400 new business registrants, kung saan halos katumbas bilang ng bagong business registrants para sa buong taon ng 2023.

Tinanggap ni Mayor Joy ang parangalan kasama si BPLD Head Margie Mejia at  SBCDPO Head Mona Celine Yap sa  50th Philippine Business Conference held na ginanap sa Marriott Hotel in Pasay City.

Iyan ang QC-LGU, halos linggo-linggo tumatanggap ng parangal. Wala na nga yatang makadadaig sa Kyusi.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …