Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Uninvited MMFF

Uninvited, panlaban ni Ms. Vilma Santos sa MMFF 2024

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATINDING salpukan ang tututukan ng madlang pipol sa gaganaping 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December.

Sampung matitindi at kaabang-abang na pelikula ang tampok ngayong taon sa MMFF na magsisimula sa December 25.

Last July ay inianunsiyo ang first five official entries sa annual filmfest.

Ang lima ay ang: 1. And the breadwinner is …  ng Star Cinema at ng The IdeaFirst Company. Ang pelikula ay isang comedy at tinatampukan ni Vice Ganda. Sumunod ay 2. Green Bones mula GMA Pictures at tinatampukan ni Dennis Trillo. Ito ay isang suspense/drama.

Kasama rin dito ang 3. Himala, Isang Musikal ng Creazion Studios. Tampok dito si Bituin Escalante at ito’y isang musical. Ang 4. The Kingdom ng APT Entertainment, starring Vic Sotto and Piolo Pascual ay Pumasok din. Ang genre nito ay drama/fantasy/adventure. At ang bumubuo sa top 5 ay ang 5. Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital mula sa Reality MM Studios. Tampok dito sina Enrique Gil and Jane De Leon at horror ang tema nito.

Kamakailan naman ay inilabas na ang lima pang kokompleto sa 10 entries sa taong ito. Kabilang dito ang 1. My Future You ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz. Ang tema nito ay romance. Sumunod ay ang 2. Uninvited ng Mentorque at Project 8 Projects. Ito ay isang thriller at tinatampukan nina Vilma Santos-Recto at Aga Muhlach. Pasok din dito ang 3. Topak ng Nathan Studios. Starring Arjo Atayde at Julia Montes, action ang genre nito.

Kabilang din dito ang 4. Hold Me Close ng Viva Communications. Tampok dito sina Julia Barretto and Carlo Aquino. Ang pelikula ay isang romance. At fifth na nakapasok dito ang 5. Espantaho mula sa Quantum. Ito’y isang horror movie na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino.

Ayon kay MMFF50 and MMDA Chairman Atty. Don Artes, “Record breaking na 70 entries ang na-receive natin at 39 scripts at 31 finished films. So, makikita po natin iyong passion ng mga taga-industriya. Na kahit mahirap ay patuloy na gumagawa ng pelikula.”

Esplika niya, “Kanina po nag-uusap kami ng aming team. Ang sabi po nila, para po mabigyan pa rin ng venue iypn pong mga pelikulang hindi makalalahok dito sa 50th edition namin, titingnan po namin kung kaya pa na makapag-mount tayo ng another Summer Film Festival.”

Anyway, ang entry nina Ate Vi at Aga ay kabilang sa inaabangan ng maraming fans. Hindi lang kasi magagaling at award-winning ang cast nito, star-studded din.

Bukod kina Ms. Vilma at Aga, tampok dito sina Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Lotlot De Leon, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, at Ron Angeles.

Masayang ibinalita ng Mentorque President at CEO na si Bryan Dy na ang kanilang pelikula ay brainchild mismo ng Star For All Season.

Aniya, “Itong pelikulang ito, istorya niya (Vilma) ito, e. It’s something that she was looking for ever since, istorya niya ito na isinulat lang and screenplay ni Dodo Dayao. Pero siya ang nag-explain what she wants to happen, that’s why this is very special to us and it’s an opportunity na kami ang gumawa.”

Pahabol pa ni Sir Bryan, “Sabi nga ni Ate Vi ay passion project niya ito, dream project.”

Saang pelikula siya mas excited, sa Mallari ni Piolo Pascual na entry nila last year o sa Uninvited?

         Esplika ni Sir Bryan, “It’s a constant pride to do better. Mallari has achieved a lot, napakasaya namin. Until now, siyempre ay masayang-masaya.

         “But this one Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz lll, Mylene Dizon, Elijah Canlas… sobrang dami and ang gagaling. Noong napanood ko ang picture locked… sobrang umiiyak ako dahil ibang klase iyong ibinigay ng mga artista, ibang klase ang ibinigay ng crew with these film,” aniya pa.

Ang Uninvited ay isang supense-drama-thriller na sinasabing tatatak sa manonood dahil sa kakaibang atake at tema nito. Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Dan Villegas.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …