ARESTADO ang isang puganteng nakatalang most wanted person sa pinaigting na operasyong inilatag ng pulisya sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 23 Oktubre.
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagsilbi ang tracker team ng Norzagaray MPS ng warrant of arrest laban sa suspek na si alyas Keth, na nakatala bilang Top 3 Most Wanted Person sa municipal level ng Norzagaray, dakong 9:30 ng umaga sa Brgy. Bitungol, sa nabanggit na bayan.
Dinakip si alyas Keth na itinuturing na ‘most wanted fugitive’ para sa kasong paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnaping Law, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Malolos City RTC Branch 11.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit/station ang suspek para sa kaukulang disposisyon sa kinakaharap na kaso sa hukuman.
Ayon kay P/Col. Ediong, ang serye ng mga operasyon na isinagawa ng pulisya ng Bulacan ay naaayon sa direktiba ng pinuno ng PNP, na paigtingin, palakasin, at ituon ang pagsisikap sa pagdakip sa mga wanted person.
Dagdag niya, binibigyang diin ang misyon na ito ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan ang walang humpay na pagtugis ng pulisya ng Bulacan na dalhin ang mga wanted na indibidwal sa hustisya at itaguyod ang batas. (MICKA BAUTISTA)