ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
HATAW to the max ang 3:16 Media Network at ViPE STUDIOS nina Ms. Len Carrillo at sir Dave Villaflor, respectively. Three movies kasi ang tinapos nila recently, at sa New Zealand pa kinunan.
Una ay ang Lost and Found with Paolo Contis, Kelly Day at Yuki Sonoda, directed by Louie Igancio. Next ay ang ‘Hiram’ na pinagbibidahan nina Itan Rosales, Rica Gonzales at Cess Garcia, directed by RL Peralta. At ang third ay ang Summer Rain, starring JC Santos, Arci Muñoz, Itan Rosales, at Kelly Day. Ito ay mula sa pamamahala rin ni Direk RL at Assistant Director dito si Quinn Carrillo.
Sa aming panayam kay JC, nagpatikim siya nang ilang detalye sa kanilang pelikula.
Wika ng award-winning actor, “Sobrang saya ko sa movie na ito, first time ko na nag-New Zealand. Ipinagdarasal ko na, ‘Sana makapag-shoot ako sa New Zealand, tapos nangyari nga.’
“Siyempre si Nanay Len pa ang nagbigay sa akin nito, hindi ko ine-expect na… Nanay Len is always a blessing to my career. Sobrang suwerte ko kay Nanay Len, I love them so much.
“Gustong-gusto ko iyong how they treat me and my family. Kasi nga, they’re an intact family, so they know how to take care of families of their friends and families of everybody.
“So, ang sarap magtrabaho nang ganoon, na alam mong inaalagaan ka ng producers mo at alam mo na gagawin nila lahat para maging komportable ka.”
Bakit Summer Rain ang title nito?
Sambit ni JC, “Kasi, ikinakasal ang tikbalang, umuulan habang umaaraw, hahaha! Hindi, hindi!
“Tungkol (siya) sa isang OFW, si Marco (JC), na nandoon siya dahil isa siyang IT sa New Zealand. Isang IT guy na all his life, lagi siyang work from home. So, solitary guy siya, tapos may na-meet siyang girl na suddenly nag-ghost sa kanya, after they are okay na,” seryosong saad niya.
Pagpapatuloy ni JC, “Tapos, suddenly ay nakita niya ulit iyon… and another thing about Marco, he is a lola’s boy. Kasi iyong lola niya ang nagpalaki sa kanya.
“Eventually, nagkaroon ng relationship iyong nang-ghost sa akin at saka iyong lola ko. Tapos, iyong buong journey ng pelikula, tungkol doon, kung paano nangyari iyon.”
Sino ang gumanap na lola? “She lives there, e. Pero yes, Pinay siya.”
Nabanggit din ni JC ang exciting parts ng kanilang pelikula.
“Of course, nandoon kami ni Arci at drama talaga siya. Na this time, from our last movie na Open, hindi ba medyo mabigat talaga siya from the beginning? Dito, dadahan-dahanin ka niya sa bigat.
“So, it is something na, alam mo iyon? You look forward to, na sa mga barkada mo (masasabi mong), ‘Sige panoorin ninyo ito, kung kaya n’yo’,” makahulugang wika ni JC sabay banat ng tawa.
Kumustang ka-work si Arci?
“So, this is our second movie, every time na… when it comes to drama, maaasahan ko lagi si Arci. Kasi, we know each other, alam na namin ang isa’t isa.
“Kasi, magaling e, magaling talaga si Arci. I mean, lahat nang ibinibigay ko sa kanya, madali niyang naibabalik sa akin. And it’s always exciting na ang sarap niyang kasama, on and off screen,” sambit ni JC.
Ito na ang fourth movie ni JC kay Ms. Len. Una ay ang Tahan, na pinagbidahan ni Cloe Barreto. Sumunod ay Die Father, Thy Son ni Direk Sid Pascua, with Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn, Yuki, at iba pa. At third ang A Cup of Flavor starring Barbie Imperial at Rowan Diaz. Mula sa 3:16 Media Network, ito ay sa ilalim ng pamamahala ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan at sa panulat ni Quinn Carrillo.