Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan  
7 TULAK NAKALAWIT BARIL, DROGA KOMPISKADO

ARERSTADO ang pitong indibiduwal sa serye ng mga operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 20 Oktubre.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, unang isinagawa ang buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan CPS na humantong sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina alyas Ryan, alyas Sadam, at alyas Bunso.

Nasamsam sa operasyon ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P82,348; isang kalibre 9mm pistol na walang serial number; tatlong bala ng kalibre 9mm; at buybust money.

Kasunod nito, nagkasa ng buybust operation ang mga awtoridad ng Provincial Intelligence Unit (PIU) nitong Sabado ng gabi, 19 Oktubre, sa Brgy. Culianin, sa bayan ng Plaridel na ikinadakip ng suspek na kinilalang si alyas Beka.

Nakuha sa operasyon ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at buybust money.

Gayondin, nasakote ang tatlong pinaghihinalaang mga tulak sa magkahiwalay na buybust operation ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria at Doña Remedios Trinidad MPS.

Nakompiska sa mga operasyon ang apat na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang self-sealing plastic sachet ng tuyong dahon ng marijuana, drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakatakdang isampa sa korte laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …