Monday , December 23 2024
PADER

PADER Lumagda sa Manipesto ng Suporta para sa Administrasyon ni PBBM

INILUNSAD ang bagong tatag na People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) upang suportahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM). Ang naturang aktibidad ay ginanap  sa isang restawran sa Quezon City Memorial Circle.

Sa pagtitipon, limampung (50) lider mula sa iba’t ibang alyansa at multisectoral groups ang lumagda sa isang manipesto na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa pamumuno ni PBBM. Layunin ng manipesto na kilalanin at ipagmalaki ang mga programang nasimulan ng Pangulo na naglalayong makamit ang tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran tungo sa isang Bagong Pilipinas . Ang ating makasaysayang pagkakaisa ay tungo sa pagpapalakas ng ating bansa. Kami ay buong pusong sumusuporta sa mandato ng taumbayan na ipinagkaloob kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang tiyakin ang isang Bagong Pilipinas at magandang kinabukasan para sa mga kabataan at mamamayang Pilipino,” ayon sa manipesto ng koalisyon.

Ipinahayag ng mga lumagda sa manipesto ang kanilang matatag na suporta kay Pangulong Marcos, at sinabi nilang naniniwala sila na si PBBM ang tamang lider para sa bansa. Anila, si PBBM ay may sapat na dedikasyon, sinseridad, at “political will” upang ipatupad ang mga mahahalagang programa na magdudulot ng pag-unlad sa Pilipinas.

Nangako rin ang PADER na maninindigan kasama ang mamamayan at pamahalaan upang masiguro ang maayos na pamamahala, mapayapang komunidad, at maunlad na kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.

Buong tiwala ang mga lider na dumalo na hindi bibiguin ni Pangulong Marcos ang kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan. (BONG SON)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …