Monday , April 14 2025
dead gun

Binaril sa harap ng barangay hall, courier rider todas

PATAY ang isang lalaki nang mabaril ng kaniyang nakaalitan sa harap mismo ng isang barangay hall sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 16 Oktubre.

Sa ulat na ipinadala ng Guiguinto MPS kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Rowell Dela Cruz, 42 anyos, driver ng J&T Express, residente sa Brgy. Malis, sa nabanggit na bayan.

Samantala, kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na kinilalang si Jonathan Emello alyas Jojo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ang Guiguinto MPS ng tawag sa telepono mula sa barangay secretary ng Brgy. Tiaong tungkol sa insidente ng pamamaril.

Napag-alaman na dakong 8:15 am kamakalawa, nagpunta ang biktima sa naturang barangay hall upang magsampa ng reklamo laban kay Jojo Emelo hinggil sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

Makaraan ito, lumabas na ang biktima sa barangay hall makalipas ng ilang minuto, nakarinig ng ilang putok ng baril ang sekretarya at nakita na lamang niya na nakahandusay sa lupa ang biktima.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Bypass Road gamit ang isang tricycle bilang getaway vehicle.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Guiguinto MPS sa pinangyarihan ng krimen upang magsagawa ng imbestigasyon at operasyon.

Kasunod nito, hiniling sa SOCO na iproseso ang pinangyarihan ng krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …