Sunday , December 22 2024

Sama ng loob ng Senior Citizens sa Tondo, ‘imamarka’ sa balota sa May 2025 elections

YANIG
ni Bong Ramos

SANDAMAKMAK na senior citizens mula halos sa lahat ng barangay na nasasakupan ng District 2 sa Tondo, Maynila ang sumama ang loob sa kanilang incumbent congressman kamakailan, bakit ‘ka n’yo?

Ang hinanakit ay dahil umano sa tulong o cash gift na ipinamudmod ng Congressman na ang nakatanggap lamang ay ang mga opisyal ng mga senior citizen sa kani-kanilang barangay.

Hindi pa raw malaman kung ang mga nasabing opisyal ay dumaan sa election o pawang appointee o ‘di kaya’y self-proclaimed.

Namimili anila si congressman ng bibigyan na iilang tao lang ang nakikinabang tulad nga ng mga opisyal na hindi man lang umabot sa 10.

Paano naman ang mayoridad ng mga nakatatanda na umabot ang bilang sa 300-2000 kada barangay? Tutunganga na lang ba nagbubunyi ang kanilang mga opisyal.

Hindi man lang daw idineklara sa kanila ang mga tinanggap na biyaya bilang pormalidad at karapatan din namang malaman ng mga miyembro.

Ang sinasabing tulong na ibinigay ng congressman ay naglalaro sa P50,000-P100,000 sa bawat barangay.

Kung ang iniisip nilang hindi sapat o hindi magkakasya ang halaga para sa lahat, maraming ibang paraan ang puwedeng gawin upang ito ay maibahagi.

Puwedeng maging pondo sa kaban ng mga senior citizen at gamitin at ipamigay sa mga darating na okasyon tulad ng Christmas party para ipa-raffle, ‘di po ba?

Mas praktikal na ibili ito ng sako-sakong bigas at hati-hatiin sa 1-2 kilo bawat pamilya para lahat ay makinabang.

Ang naging siste kasi ay sinarili ng mga opisyal at hindi man lang umano idineklara para mayroong transparency.

Hindi naman ito naganap sa lahat ng barangay. Meron din matatalinong chairman na nananatiling hawak ang cash gift upang maging pondo ng kanilang senior citizens.

Ang congressman na tinutukoy dito ay walang iba kundi si Cong. Rolan Valeriano ng 2nd district ng Tondo, Maynila.

Dahil sa sama ng loob, sinabi ng ilang senior citizens na hindi kayang ipanalo ng mga opisyal si Valeriano dahil sa 10 lang sila.

“Ang mayoridad namin ang magpapanalo sa kanya sa nalalapit na eleksiyon kung kaya’t dapat na kami ang kalingain at hindi ang iilan lang,” deklara ng mas nakararaming senior citizens.

Namamalahibo itong si Congressman kaya pinili niya ang kanyang mga bibigyan. Hindi ito anila pang-kalahatan, dapat din niyang ianunsiyo ito para hindi magkakulay.

Kilala naman si Valeriano sa pagiging matulungin sa kanyang constituents ngunit sa pagkakataong ito ay palpak at may teknikalidad siya.

Si Valeriano ang incumbent congressman sa 2nd district at nananatiling llamado sa labanan sa nalalapit na eleksiyon.

Sa kaganapang ito, marami ang nagsasabing malaki ang posibilidad na magkahati-hati ang mga boto partikular sa hanay ng senior citizens at ng kanilang pamilya na malamang ay ‘bumaliktad.’

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …