Tuesday , December 31 2024

Utak, 6 gun for hire nasakote  
MAG-ASAWANG ONLINE SELLER ‘HINUDAS’ DAHIL SA P13-M UTANG

101624 Hataw Frontpage

Ulat nina Micka Bautista at Almar Danguilan

UNA ay ‘ipinanakaw’ ang dalawang talbog na tseke na nagkakahalaga ng P13 milyon at dalawang mobile cellphone na makikitaan ng ebidensiya, pero nabigo ang mga inupahan hanggang umabot sa ambush laban sa mag-asawang pinaslang.

Ganito inamin ng mga suspek na sina sina Arnold Taylan, gunman; at Arnel Buan, backrider, na naaresto sa Nueva Ecija, kung ano ang naging papel nila sa pagpaslang sa mag-asawang Arvin Dayrit Lulu at Lerma Waje Lulu.

Kasunod ng masusing imbestigasyon, nagsagawa ng nakatutok na operasyon ang tracker team mula sa Mexico Municipal Police Station, kasama ang Pampanga Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), at ang 1st and 2nd Provincial Mobile Force Companies (PMFC) sa loob ng dalawang araw, nitong 13-14 Oktubre 2024.

Ang kanilang dedikadong pagsisikap ay humantong sa pagkakaaresto kina Taylan at Buan sa Nueva Ecija.

Ang mga unang pahayag na ibinigay nina Taylan at Buan ay napatunayang napakahalaga at nagbigay-daan sa mga awtoridad para matukoy at mahuli ang natitirang limang suspek na sina Robert Dimaliwat, Rolando Cruz, Jomie Rabandaban, Sancho Nieto, at ang sinasabing mastermind na si Anthony Cawagas Limon at ang asawang si Joanna Marie Perez.

Lumabas sa imbestigasyon, na si Limon, isa rin online seller tulad ng mga biktima ay may P13 milyong utang sa mag-asawa, na nagbibigay ng posibleng motibo sa krimen.

Sa mga operasyon, nasamsam ng mga alagad ng batas ang kabuuang siyam (9) baril, kabilang ang tatlong (3) caliber 9mm pistol, limang (5) caliber .45 pistol, isang .22 caliber rifle, at isang air gun.

Pinuri ni P/BGeneral Redrico A. Maranan, regional director ng Police Regional Office 3, ang walang sawang pagsisikap ng mga operatiba ng pulisya na sangkot sa kaso, na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng PNP sa pagbibigay ng hustisya para sa pamilya ng mga biktima.

“Ang aming misyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad ay nananatiling aming pangunahing prayoridad. Wala kaming iiwang kaso na hindi nalulutas sa aming paghahangad ng hustisya at pananagutan laban sa mga karumal-dumal na krimen,” dagdag ng opisyal.

Sa pulong balitaan kahapon ng Camp Olivas, San Fernando, Pampanga, inihayag ni PRO3 Regional Director Police Brig. Gen. Redrico A. Maranan ang pagkakaaresto kina Limon, habang ang asawa ay isinasasailalim sa imbestigasyon upang malaman kung ano partisipasyon sa krimen.

Si Limon ay nadakip kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Apalit, Pampanga.

Samantala, nadakip sa isinagawang follow-up operation ng Pampanga Police Provincial Office na pinamumunuan ni Provincial Director, PCol. Jay Dimaandal, simula noong Biyernes, hanggang kahapon, ang iba pang suspek.

Positibong kinilala ng mga saksi ang mga suspek sa pagpaslang sa mag-asawang Lulu, kapwa residente sa Mabalacat, Pampanga nitong 4 Oktubre 2024 dakong 4:20 pm sa Paroba St., Barangay Santo Rosario, Mexico.

Nakompiska sa mga suspek ang iba’t ibang malalakas na kalibre ng baril at apat na motorsiklong ginamit sa krimen.

Ayon kay Maranan, ang mga suspek ay isang organized gun for hire group na kumikilos sa lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija. Sila ay sasampahan ng dalawang bilang ng kasong Murder sa Pampanga Prosecutors Office.

Base sa salaysay ng mga suspek, inupahan sila ng halagang P900,000 para isakatuparan ang plano laban sa mag-asawang Lulu.

About Almar Danguilan

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …