Saturday , April 12 2025
Bulacan Police PNP

21 Law violators arestado sa back-to-back ops cops

MULING umaksiyon ang pulisya laban sa mga aktibidad ng kriminal sa Bulacan na humantong sa pagkakaaresto sa 21 lumalabag sa batas sa serye ng walang humpay na operasyon laban sa krimen hanggang kahapon ng umaga, 15 Oktubre 2024.

               Sa mga ulat na ipinadala kay P/Colonel Satur L. Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng buybust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Susan at alyas Paolo.

Nasamsam sa operasyon ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P20,400, isang coin purse, isang kalibre .45 colt MK series 70, tatlong pirasong bala ng kalibre .45, isang kalibre .45 magazine, at buybust money.

Kasunod nito, nagsagawa ng buybust operation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kamakalawa ng tanghali, sa Brgy. Catanghalan, Obando, Bulacan, na humantong sa pagkakaaresto ng isang 35-anyos suspek.

Siya ay naaresto dahil sa pagbebenta ng isang unit caliber .22 P. Berretta, dalawang kahong bala ng caliber . 45 na naglalaman ng 49 piraso bawat kahon, isang itim na sling bag, at buybust money.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang lahat ng mga suspek, at inihahanda ang mga kasong isasampa sa Provincial Prosecutor’s Office sa Malolos City at ang mga baril ay isasailalim sa ballistic examination.

Sa kabilang banda, sa hiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria at San Jose Del Monte C/MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang drug peddler at pagkakakompiska ng ebidensiya, kabilang ang walong pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakompiskang gamit para sa kaukulang pagsusuri habang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 ang inihahanda para sa pagsasampa ng kaso sa korte laban sa mga suspek.

               Samantala, sa manhunt operation na inilatag ng tracker team ng San Jose Del Monte, Baliwag, Meycauayan, Paombong C/MPS, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), San Ildefonso, Hagonoy, Calumpit MPS, at Bulacan CIDG PFU ay humantong ang pagkaaresto sa 13 akusado sa bisa ng warrants of arrests (WOA).

Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting station/unit para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan …

Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas …