Thursday , April 3 2025
Daniel Fernando Bulacan 500k Pabuya

P.5-M alok ni Bulacan Gov. Fernando vs suspects  
MURDER INIHAIN vs PULIS, 3 SIBILYAN SA PAGPASLANG SA BOKAL, DRIVER

KASUNOD ng pormal na paghahain ng dalawang bilang ng kasong Murder at dalawang bilang ng Frustrated Murder laban sa isang pulis at tatlong sibilyan, nag-alok si Bulacan governor Daniel Fernando ng pabuyang P.5 milyon para sa ikadarakip ng mga nagtatagong suspek.

               Inihain ng pamilya ng pinaslang na si Board Member at ABC President Ramilito Capistrano at kaniyang driver ang mga kaso laban sa apat na suspek sa City Prosecutors’ office, sa lungsod ng Malolos.

Makalipas ang 11 araw na imbestigasyon ng pulisya, natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na si P/SSgt. Ulysses Hernani Pascual, ng Brgy. San Roque, Navotas na dating nakatalaga sa Region 3 at ngayon ay nakatalaga sa Camp Crame.

Kasama sa sinampahan ng kaso sina Cesar Gallardo, Jr., isang alyas Lupin; at alyas Jeff na pawang mga nakalalaya pa rin sa kasalukuyan.

Natukoy ang mga suspek base sa ibinigay na impormasyon ng tatlong saksi sa naganap na ambush at sa tulong ng mga kuha ng CCTV.

Matatandaang napatay sa ambush si BM Capistrano, 56 anyos; at Shedrick Toribio, 23 anyos, habang nakaligtas sa pamamaril sina Rochelle Alburo, 18 anyos; Nelle Ann Ramos, 27 anyos.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Office (SOCO), apat na baril ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima — isang kalibre .38, kalibre .45, at dalawang 9MM pistol.

Kasabay nito, naglabas ng reward money si Gob. Daniel Fernando na nagkakahalagang P500,000 sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek sa karumaldumal na pamamaslang.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang nag-utos sa apat na suspek para patayin ang biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …