Friday , October 11 2024
Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member ng entertainment media ng businesswoman na si Cecille Bravo, kamakailan ay binigyan siya ng aming grupong The Entertainment Arts & Media (TEAM) ng dalawang plaque, Plaque of Appreciation at The Ultimate Ninang of the Press.

Naganap ito nang bumisita ang mga officer ng TEAM sa magarang opisina ni Ms. Cecille sa Quezon City.

Bukod sa kilalang philanthropist, siya ang VP ng Intele Builders and Development Corporation. Si Ms. Cecille ang first and only recipient ng TEAM’s The Ultimate Ninang of the Press recognition.

Nagpahayag ng pasasalamat sa TEAM ang very accommodating na misis ni Mr. Pete Bravo, na president naman ng kanilang matagumpay na kompanya.

Aniya, “Thank you very much talaga sa TEAM, lalo na iyan, na first time na ako ang naka-receive nang ganyan…

“Iba po ang feelings niyon, I could not expressed it in words pero what I can do is siguro sa action, na mas ipakikita at ipaparamdam ko sa inyo na iyong ibinigay n’yo po sa aking award, siguro po kahit paano ay worth it ako na ma-receive iyon.”

Pagpapatuloy ni Ms. Cecille, “I’m not the best person na ano, pero always trying to be the best version of myself. Dahil nakita ko po na kapag iyong heart mo ay ipinaramdam mo sa iba, kayo rin naaapektohan kayo, ibinibigay n’yo naman sa iba. Parang pay it forward… It doesn’t have to pay it back to me, or ako kapag may tumulong sa akin, sa kanya ko ibalik… Ibalik mo sa iba, pasa-pasa. Hindi ba? Iyon po iyon e, na parang nakahahawa, iyon ang magandang nakahahawa, to be giving, to be kind.

“Kaya nga po again, thank you very much for this opportunity na makausap kayo at iyong i-recognized n’yo po ako, I am so thankful and so grateful po sa inyo,” nakangiting sambit niya.

Bukod sa kanilang kompanya, maraming business na pinagkakaabalahan sina Ms. Cecille at Mr. Pete, kasama na rito ang Rampa Bar na kasosyo sila ni RS Francisco.

Ang target pa nila ay ang pagtatayo ng talent management para makatulong sa mga talented na newcomers. Kasama dito ang barber shop & bar at ang private resort nila sa Rizal na gusto niyang buksan sa publiko. Pero ang pinaka-challenging sigurong papasukin ng husband and wife tandem nina Ms. Cecille at Sir Pete ay ang pagpoprodyus ng pelikula.

Ayon kay Ms. Cecille, plano niyang gawin ito kasama ang kaibigan niyang si RS Francisco.

Kuwento niya, “Parang ino-open sa akin ‘yun, it was mentioned to me by RS Francisco (co-owner ng Rampa). Ang sabi ko, if ever ‘yung mga ano lang, ‘yung medyo low budget lang, siguro ‘yung mga indie, ‘yung short films lang.

“I’m not really sure pa, because it has to be approved din also ng mister ko. Kasi alam kong business wise, magaling talaga ‘yun and I also believe na ‘pag dalawa kami, family kami, mas talagang maganda kapag pinasok namin dahil pare-pareho naming pag-iisipan. We will put our efforts para maging successful.

“Kaya lang ang isa rin na nagdadalawang-isip ako to enter it (is because) wala talaga akong knowledge roon, ang hirap din mangapa. At the same time, I’m just being honest ‘di ba marami kang makikilala?”

“Ako lagi kong sinasabi na mabuting out in the open, kailangan matuto ako kung paano makiharap sa iba-iba dahil baka hindi rin laging matutuwa sila sa desisyon ko or desisyon namin and siyempre dapat mas matuto akong makisama hindi lang sa inyong mga press, kung hindi sa mga iikot sa production, ‘di ba? Sa kung ano mang pumapaloob sa paggawa ng pelikula.”

So, magjo-joint venture sila ni Direk RS sa pagpoprodyus ng pelikula? “Iyon ang gusto ko sana, kasi hindi ko pa alam and I think mas gusto niya ‘yun, na joint venture kami. ‘Yung ‘know how’ niya, matututo ako and hopefully mayroon din akong ma-input na kung ano naman ‘yung alam ko, And para rin ang isang gusto niya is, siguro makilala pa tayo sa ibang bansa, hindi ba? 

“Minsan ‘yung mga raw talents, saka minsan ‘yung mga talents na hindi nabibigyan ng pagkakataon, baka sa amin mabigyan namin… Tapos ‘yung exposure na 

magugulat na lang tayo na kilala na pala ‘yun and puwede namin sabihin na sa amin siya nagsimula,” wika niya.

Dagdag ni Ms. Cecille, “One thing’s for sure, dahil matagal na rin kaming magkaibigan ni RS, alam ko na I can trust him and he can trust me. Hindi kami nag-uusap sa pera talaga, wala kaming pag-uusapan doon. Lalo na siya, alam mo naman na mayaman naman talaga ‘yun, I am nothing compared sa perang mayroon sila. 

“So, grateful ako na after all these years, magkaibigan pa rin kami ni RS,” masayang sambit pa ni Ms. Cecille.

About Nonie Nicasio

Check Also

Alan Peter Cayetano

CIA with BA’: Dapat bang ang ama ang laging masunod kapag nagdedesisyon?

SANAY tayong mga Filipino sa kultura na ang ama ang kadalasang may huling salita sa …

Mujigae

Mujigae tagumpay sa mala-Korean feel movie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SPEAKING of Mujigae, tama ang tinuran at kuwento ni Alexa Ilacad kay KD Estrada na …

KD Estrada Alexa Ilacad Kim Ji Soo Mujigae

KD Estrada todo-suporta kay Alexa; Kim Ji Soo ‘di pinagselosan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MADALAS magka-usap sina KD Estrada at Alexa Ilacad hindi man sila magkatrabaho o hindi …

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …