Sunday , December 22 2024
Ryrie Sophia Mujigae

Ryrie Sophia tampok sa pelikulang Mujigae, na showing na ngayon sa SM cinemas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING papuri ang narinig namin sa newbie child actress na si Ryrie Sophia, na tampok sa pelikulang Mujigae. Hindi lang dahil sa magaling itong aktres, kundi pati pag-aaral ng salitang Korean ay nagawa niya sa loob lang ng three weeks, considering na siya ay six years old pa lang.

Napagkamalan nga raw na Korean si Ryrie nang nag-shooting sila ng naturang pelikula sa Korea.

“Kinuha niya yung puso at atensiyon namin. Ideally gusto talaga namin may lahing Koreano, marunong talagang magsalita. Hindi po siya marunong mag-Koreano, pero para po sa pelikulang ito, natuto po siyang mag-Koreano,” pagbabahagi ng director ng pelikula na si Randolph Longjas.  

Aniya pa, “Iyong mga tao roon really thought she was Korean, because she speaks really great Korean.”

Bukod kay Ryrie, tampok din dito sina Alexa Ilacad at ang Korean actor na si Kim Ji-soo, na humanga rin kay Ryrie dahil kahit bata pa at walang dugong Korean, kundi isang purong Pinay, mabilis niyang napag-aralan ang pagsasalita ng Korean na pati accent nito ay kuhang-kuha niya.

Sa aming panayam kay Richard Quan, isa sa co-star ng pelikula, nabanggit niyang si Ryrie ay, “Super-cute and charming but beneath the cuteness is a very intelligent kid. Haven’t met a 6 year old with such high IQ and EQ, brilliant kid.”

Ang Mujagae (Rainbow) ay isang family drama na hatid ng UXS Inc. (Unitel /StraightShooters), executive producers dito sina Tony Gloria & Madonna Tarrayo.

Istorya ito ng isang batang ulila na ginagampanan ni Ryrie, isang half Filipino, half Korean na simula nang mamatay ang inang Pinay sa South Korea ay naghahanap at umaasam na maramdamang muli ang pagmamahal ng isang ina sa pamamagitan ng kanyang tiyahing si Sunny (Alexa). Kaya tiyak na maaantig ang puso ng maraming Pinoy (pati Koreans) sa pelikulang ito.

Sa panayam kay Kyrie, aminado siyang dream niya talaga ang makapasok sa showbiz para makatulong sa kanyang ina.

Nang maka-chat namin sa FB ang mother ni Ryrie na si Ms. Charina Agustin, sinegundahan niya ang tinuran ng bunsong anak, “Super-enjoy po talaga siya mag-artista. Ultimate dream niya po maging artista. She loves acting, dancing and singing. Super-galing mag-tiktok.”

Gaano katagal siyang nag-aral ng Korean para sa pelikulang ito? “Mga around seven sessions po, in three weeks,” wika pa sa amin ng mother ni Ryrie.

Kuwento pa ni Ms. Charina, “She started as TVC model when she was 4 years old in 2022 (Vivalyte). In 2023, she had 1 digital ad/socmed platforms (Ritemed Cetirizine). This year she had 7 TVCs/digi ads (Jollibee Spaghetti, Nissin Bread sticks, Silka Papaya Soap, Arthaland Real Estate, Chuckie, Krimstix and breading mix which is not yet out). She already have a total of 9.

“She tried to audition for the first time for a teleserye project in TV5 last quarter of last year and her second audition is for the movie Mujigae. We didn’t know that this is a big project. Luckily, she got both. We are very grateful for these projects.”

“She also has an upcoming movie where she will play as young version of the bida role,” pahabol pa ng mother ni Ryrie.

Kasama rin sa Mujigae sina Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara, Rolando Inocencio, at Scarlet Alaba, with the special participation of Rufa Mae Quinto.

Mapapanood na ang Mujigae simula ngayong October 9, 2024 nationwide, exclusively sa mga SM cinema.

About Nonie Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …