Sunday , April 6 2025
Gun Fire

Amok na sekyu namaril 3 sugatan

NAHAHARAP ang isang security guard sa kaso ng tangkang pagpatay sa isang insidente ng pamamaril na ikinasugat ng tatlo sa Bulakan, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na isinumite kay P/Colonel Satur L. Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si alyas ​​RA, 31 anyos, security guard, tubong Brgy. Ranggayen, Alamada, North Cotabato, kasalukuyang naninirahan sa Eco Fortune Compound, Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagresponde ang mga tauhan ng Bulakan MPS sa isang insidente na naganap sa Eco Fortune Compound, Brgy. Matungao, dakong 8:40 pm kamakalawa.

Napag-alaman na pumarada ang 51-anyos lalaking biktima na driver ng truck sa loob ng Eco Fortune Compound upang kargahan ng air system ang sasakyan para maabot ang pinakamainam na presyon bago umalis.

Dito, sinabing nilapitan ng suspek na security guard sa compound ang driver at hiniling na ilipat ang sasakyan.

Sa kabila ng paliwanag ng driver na hindi posible ang paglipat ng truck dahil sa proseso ng akumulasyon ng hangin na kinakailangan para sa makina, isang mainit na pagtatalo ang naganap.

Walang pasabi, nagpaputok ang suspek ng kanyang service revolver, na tinamaan ng bala sa ulo ang 51-anyos lalaking biktima, at ang isa pang 25-anyos na lalaking biktima sa dibdib at tiyan, at isang lalaking bystander na residente ng compound sa ibabang labi.

Mabilis nagresponde ang mga tauhan ng pulisya sa Bulakan sa kaguluhan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa posesyon ng suspek ang isang SAM Protector Blue revolver cal. 38 na kargado ng bala, apat na fired cartridges, at anim na reserbang bala sa belt rig ng suspek.

Samantala, dinala ang mga biktima sa Gregorio District del Pilar District Hospital para sa atensiyong medikal habang kasong frustrated murder laban sa suspek ang inihanda sa pagsasampa ng kaso sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …