Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Emmanuel Ledesma Jr PhilHealth
INIHAYAG ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma, Jr., ang pinalawak na benepisyo para sa mga Filipino, kabilang ang 59% dagdag sa hemodialysis coverage, at pagtitiyak nang halos P1 milyong annual benefits kada apektadong pasyente. Tampok sa pahayag ang bagong programa gaya ng paglaban sa malnutrisyon, at pagpapahusay sa healthcare na bukas sa mga miyembro at benepisaryo sa buong bansa. (BONG SON)

Huwag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth — Ledesma

100824 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SA PANAHON ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay nananatiling kaagapay ng bawat Filipino sa pagharap sa mga gastusing medikal.

Ito ang inihayag ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, Jr., kasabay ng ginawang paglulunsad ng mas pinalawak at mga bagong benepisyo ng ahensiya.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na palakasin ang sistema ng kalusugan sa bansa dinagdagan ng PhilHealth ng hanggang 50 porsiyento ang benepisyo sa mga sakit na karaniwang nakaaapekto sa mga Filipino kabilang dito ang pneumonia, severe dengue, stroke, chronic kidney disease, asthma, sepsis, ischemic heart disease, cataract, at hemodialysis.

Bago matapos ang taon ay sakop na rin ng PhilHealth benefit ang chemotherapy para sa ilang cancers kabilang ang lung, liver, ovary at prostrate.

“This move aims to protect families from falling into poverty due to medical expenses,” pahayag ni Ledesma.

Ipinagmalaki ni Ledesma na hanggang 2026 ay nakalatag ang pondo para sa benefit package para mga Filipino kaya naman walang dahilan para hindi magpakonsulta at magpa-confine.

Ipinagmamalaki rin ng PhilHealth na ang Filipinas ang kauna-unahang bansa sa Asia Pacific na naglunsad ng isang outpatient therapeutic care package para sa Severe  Acute Malnutrition na sinimulan nang ipinatupad mula nitong 1 Oktubre 2024.

Nasa P7,500 halaga ng malnutrition package ang maaaring matanggap ng mga sanggol na edad 0 hanggang 6 buwan gulang habang P17,000 sa mga may edad 6 na buwan  hanggang 5 taon.

Layunin ng benepisyong ito na labanan ang malnutrisyon sa mga bata at bawasan ang pasaning pinansiyal ng mga pamilyang apektado nito.

Bilang karagdagan, inalis na rin ang patakaran sa Single Period of Confinement (SPC) upang matulungan ang mga miyembrong nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamutan.

Tataas din ng 59% ang benepisyo para sa hemodialysis mula P4,000 ay

magiging P6,350 kada dialysis na simulang mararamdaman ng mga pasyente simula Nobyembre.

Dahil dito ay aabot na sa halos P1

milyon kada taon ang benepisyo sa bawat dialysis patient na makatatanggap pa rin ng kabuuang 156 dialysis treatment kada taon.

Kasabay ng pagpapalawak ng benepisyo, gumagamit din ang PhilHealth ng

makabagong teknolohiya upang mapabuti ang kanilang mga serbisyo.

Nakipagtulungan ang PhilHealth sa Department of Information and Communication (DICT), Department of Health (DOH), at Philippine Statistics Authority (PSA) upang mas mapadali ang proseso ng mga serbisyo ng PhilHealth, lalo na para sa mga nasa malalayong lugar.

Sinabi ni Ledesma, pinalawak din ang programang “Konsulta” na nagbibigay ng libreng konsultasyon,  diagnostic tests, at mga gamot.

Kabilang sa Konsulta Program ang pagbibigay ng 21 klase ng gamot, primary care services, at 15 diagnostic services kasama ang mammography gayondin ang ultrasound sa breast, abdomen, at pelvic.

Samantala, pinawi ni Ledesma ang pangamba na mawawalan ng pondo ang PhilHealth, aniya, maraming funding support ang PhilHealth kaya hindi concern ang mauubusan ng pondo ang ahensiya.

Aniya, nagkaroon na rin ng pagbabago sa pagbabayad ng PhilHealth sa mga ospital, sa katunayan, ikinalulugod ng Philippine Hospital Association ang maagap nang pagbabayad ng PhilHealth kaya naman ang apela ni Ledesma sa publiko, huwag mag-atubiling magpa-check up o magpa-confine kung may iniindang sakit dahil kaagapay ng bawat Pinoy ang PhilHealth.

Upang mas maabot ng PhilHealth ang mas nakararaming Filipino, umaapela si Ledesma sa healthcare providers, pribado man o publiko, na magpa-accredit sa PhilHealth para makapagbigay ng mas abot kayang serbisyo medikal.

         “Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog at matatag na Filipinas” pagtatapos ni Ledesma.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …