Monday , October 7 2024
Mujigae Richard Quan a Alexa Ryrie Kim Ji-soo

Richard Quan, bilib sa co-stars na sina Alexa, Ryrie, at Kim Ji-soo sa pelikulang Mujigae

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI kami nakapunta sa press conference ng pelikulang Mujigae, kaya nag-pm na lang kay Richard Quan upang ma-interview ang award-winning veteran actor kahit sa Facebook.

Nalaman namin ang ilang detalye ng kanilang pelikula kay Richard. Na ang Mujigae ay isang Korean word pala na ang ibig sabihin ay rainbow. Ito rin ang name ng bidang batang babae sa nasabing movie, na ginagampanan ng napaka-talented na si Ryrie Sophia.

Ano ang tema ng kanilang pelikula at ano ang role niya rito?

“Isa itong family drama,” matipid na tugon ni Richard.

Aniya, “Ako rito si Tatay Emong, isang simple minded tatay ni Alexa (Ilacad) na nalagay sa complex situation dahil sa mga naging decisions niya in the past.”

Ang Mujigae (Rainbow) ay hatid ng UXS Inc. (Unitel/StraightShooters) at pinamahalaan ni Direk Randolph Longjas.

Ito ay para sa mga ina at para sa mga nagnanais maging ina at sa mga piniling magpaka-ina.

Ang pelikula ay hinggil sa isang batang naulila sa murang edad, si Mujigae (Ryrie) na nahanap ang matagal nang inaasam na makasama at maramdaman ang pagmamahal ng isang ina sa pamamagitan ng kanyang tiyahing si Sunny (Alexa). Kasama rin dito ang  Korean actor na si Kim Ji-soo na bahagi ng GMA’s Sparkle roster.

Ano ang reaction niya na may mga pelikula na ngayon na naipalalabas na sa cinemas, unlike noon na sa online lang?

Esplika ng versatile na actor, “Masaya, dahil finally ay nalagpasan na natin ang worst. I just hope this time, magkatulungan na ang mga tao sa industry towards progress.

“I hope na ma-open-up pa lalo sa international market ang mga produced ng Pinoys. And I hope na madagdagan pa ang support ng government sa industry natin.”

Nalaman din namin na matagal na mula nang nagkaroon siya ng pelikula na ipinalabas talaga sa mga sinehan.

“Ang Mga Halang ang title, last year iyon. Pero sa UP Film Theater lang siya. Iyong sa sinehan talaga, before pandemic pa yata.”

Inusisa rin namin si Richard kung ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars sa pelikulang Mujigae.

“Si Ryrie, super-cute and charming but beneath the cuteness is a very intelligent kid. Haven’t met a 6 year old with such high IQ and EQ, brilliant kid.

“Si Kim ji soo – very respectful siya, focus and well prepared always in our scenes. Learned things about situation of Korean actors compared to Filipino actors. And si Alexa, a no nonsense person, what you see is what you get. Very rare in the industry iyan, specially now a days. We get along very well, as actors, without talking about it, we know if we nailed the scene or need another take – a very good actress, sky is the limit – intelligent too,” mahabang esplika ni Richard.

Kasama rin sa pelikula sina Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara, Rolando Inocencio, at Scarlet Alaba, with the special participation of Rufa Mae Quinto.

Ang screenplay ng pelikula ay mula kina Mark Raywin Tome at Randolph Longjas, line producer Noemi Peji, associate producer Grace Quisias, executive producers: Tony Gloria at Madonna Tarrayo.

Mapapanood na ang Mujigae simula October 9, 2024 nationwide, exclusively sa mga SM cinema.

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male star pinatotohanan sexual molestation mas malala noon

ni Ed de Leon ANG haba ng kuwentuhan namin ng isang dating male star sa tv na …

Karla Estrada Jam Ignacio DJ Jellie Aw

Karla nagmumukhang kawawa sa pagbandera sa GF ng dating BF 

HATAWANni Ed de Leon LUMALABAS namang mukhang kawawa ang nanay ni Daniel Padilla, iyong dating boyfriend …

Vilma Santos

Vilma ‘di na magagawa pelikula abroad (sa pagtakbo muli bilang gobernador)

HATAWANni Ed de Leon MARAMIang nanghihinayang dahil siguro gustuhin man ni Vilma Santos hindi na niya maaaring …

Richard Yap doctor

Richard ayaw nang pasukin ang politika

I-FLEXni Jun Nardo WALA raw planong bumalik sa politika ang aktor na si Richard Yap. Sinabi …

Willie binili buong penthouse ng isang hotel

I-FLEXni Jun Nardo NABANGGIT na sa amin ng TV host na si Willie Revillame ang bago niyang …