ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal.
Tinukoy ni Pope Francis ang 21 bagong cardinals matapos ang panghapong Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican.
Kasalukuyang nasa Vatican si David para sa Synod of Synodality’s general assembly. Siya ay nasa ikalawang termino bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sa darating na 8 Disyembre, ang mga bagong prinsipe ng Simbahan ay lalahok sa College of Cardinals, na siyang pumipili kung sino ang susunod na Santo Papa.
Kahapon, nabatid na 122 ng 236 cardinals sa ilalim ng edad na 80 anyos ay boboto sa gaganaping conclave.
Si David ang ika-10 Filipino cardinal.
Matatandaang ang Obispo ay tahasang naghayag ng kanyang pagtutol laban sa patayan sa drug war sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Labis na nagluksa si David dahil sa anti-illegal drug campaign ni Duterte, ang kanyang diocese, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Caloocan, Navotas at Malabon, ay naging “killing field.”