Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nathalie Hart

Nathalie Hart idolo si Demi More sa pagiging daring

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGBABALIK-SHOWBIZ si Nathalie Hart na ngayo’y under Viva Artists Agency (VAA).

May baon-baong wisdom and maturity ang single mother of one na kamakailan nakipag-divorce sa kanyang Australian partner.

“Alam ninyo naman ang pagkaluka-luka ko. Kapag nai-inlab, nawawala, minsan nagwawala tapos ‘pag wala na, heto na uli,” kuwento ni Nathalie na very soon ay pupuntang India para sa kanyang co-prod Bollywood movie.

Magaling na aktres si Nathalie at nagkaroon na nga siya ng Best Actress award sa isang international festival sa New York.

Pinasok din niya ang pagpapa-sexy at pagiging daring at hindi pa niya isinasara ang kanyang isip sa paggawa nito dahil sa katwirang kapag kailangan sa eksena gagawin pa rin iyon. 

Ginawa niyang halimbawa ang hollywood actress na si Demi Moore na sa edad 60 ay nagawa pang mag-nude sa isang film project na hindi lumabas na bastusin.

But I do want to portraying varied roles. Gaya nitong sa Viva, may project sila about comedy, light drama. For now, I dream of doing TV projects. ‘Yun talaga ang gusto ko muna,” dagdag pa nito.

As a single mom, in-enjoy ni Nathalie ang pag-aalaga sa six year old daughter niya lalo’t nag-school na ito. Maayos naman ang arrangement nila ng kanyang ex about co-parenting kahit nasa Australia iyon.

“Everything that I do now is for my daughter. She has changed me, my values and priorities in life. Iba pala talaga kapag nanay ka na,” hirit pa ng maganda at seksi pa ring si Nathalie na baklang-bakla at masarap pa ring ka-interbyuhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …