MA at PA
ni Rommel Placente
MAY pa-blind-item si Julia Montes sa latest Instagram story niya tungkol sa isang tao na dati raw niyang tinulungan, pero ngayon ay sinisiraan na siya.
“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap ‘diba!” caption niya sa post.
Mababasa rin na may patama pa ito sa taong tinutukoy niya na ang sabi ay: “Oo ikaw alam mo kung sino ka [face with hand over mouth, face blowing a kiss emojis].”
Aniya pa, “Mga tao talaga [monkey covering face, zany face emojis].”
Dahil diyan, maraming netizens ang nag-react at may ilan pang nakare-relate.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon na nabasa namin.
“Ganyan talaga buhay tinulungan mo noon kinakalaban kana ngayon [thunder emoji].”
“Binigyan noon, pagtalikod siraan ka [laughing emoji] Kapal ng facelak! [laughing emoji]”
“Oh ‘diba kahit artista nakakaranas hahahaha, wala talaga pinipili ang mga inggitera at felingera haha!”