Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Dalawang gunrunner tiklo sa baril, bala, at granada

INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang indibiduwal at nasamsam ang ilang mga baril, bala at pampasabog sa isang buy-bust operation sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGeneral Redrico A. Maranan ang mga suspek na naaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Pampanga Provincial Intelligence Unit (PIU), 2nd Pampanga Mobile Force Company (PMFC), Regional Intelligence Unit 3 (RIU3), at San Fernando City Police Station na sina Ka Dutdut at alyas Eric, kapuwa residente sa Brgy. San Juan Baño, Arayat, Pampanga.

Nasamsam mula sa dalawa ang isang cal. 9mm na baril, kargado ng 7 rounds ng bala (subject of sale), isang hand grenade (subject of sale), dalawang load cal.38 revolver, dalawang hand grenade, P1,000 marked money, at P9,000 boodle money.

Ang mga naaangkop na kaso laban sa dalawang naaresto ay inihahanda para sa referral ng korte.

Pinuri ni PBGeneral Maranan ang sama-samang pagsisikap ng mga kasangkot na yunit at sinabing, “Ang operasyong ito ay isang patunay ng aming hindi natitinag na pangako na walisin sa mga komunidad ang mga ilegal na baril at pampasabog.” (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …