Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas Jeffrey Hidalgo Jonica Lazo Salsa ni L

Christine Bermas, seductive at palaban sa ‘Salsa Ni L’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAG-AALAB ang mga damdamin sa seductive drama na ‘Salsa Ni L’ na pinagbibidahan ni Christine Bermas bilang Lady Love, isang mapang-akit na ballroom dance instructor dahil sa kanyang mga mapanuksong galaw. Kasama rin sa pelikula sina Sean de Guzman, Jeffrey Hidalgo, at Jonica Lazo, available na sa streaming ang ‘Salsa Ni L’ last October 1, 2024.

Hindi lamang nagtuturo ng ballroom dancing si Lady Love pero kuhang-kuha rin niya ang puso at pagnanasa ng kanyang mga lalaking estudyante. Isa sa mga nabighani niya si Allan (Hidalgo), isang mayaman at makapangyarihang lalaki. Binibigyan niya ng mga mamahaling regalo si Lady Love na tinatanggap naman nito nang malugod.

Bahagi rin ng mundo ni Lady Love si Lucas (de Guzman), isang kapwa dance instructor na matagal na niyang kaparehang sumayaw. Hindi maikakaila ang kanilang chemistry sa dance floor, lalo pa at umaalab din ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Gayonman, nag-aalinlangan si Lady Love na tuluyang umibig kay Lucas dulot ng selos na kanyang nararamdaman sa mga kliyente nito.

Habang ibinabalanse nina Lady Love at Lucas ang nararamdaman nila para sa isa’t isa at ang “sensual needs” ng kanilang mga kliyente, tumitindi na ang obsession ni Allan kay Lady Love na nagbabadya nang magdala sa kanila sa panganib.

Makakawala ba si Lady Love sa pagkahumaling ni Allan bago may tuluyang masaktan? At mananatili na lang nga ba sa dance floor ang damdamin nina Lady Love at Lucas para sa isa’t isa?

Mula sa direksiyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr., panoorin ang pinakasensuwal at mapang-akit na love showdown sa ‘Salsa Ni L’ sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …