Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Salome salvi Emil Sandoval Tahong Candy Veloso

Romansang Salome Salvi at Emil Sandoval, totohanan na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong pelikula ang Vivamax sexy actress na si Salome Salvi at ito’y pinamagatang Tahong.

“Yes po, tahong ang next movie ko, kasama ko po sina Candy Veloso, Emil Sandoval, and John Mark Marcia,” kuwento ni Salome.

Ano ang role niya sa Tahong at gaano ka-sexy ang mapapanood sa kanya rito?

Tugon niya, “I think ‘yung character ko po kasi, si Talia, sa una parang hindi siya sexy, quiet lang siya and nag-o-observe. Pero may journey po ‘yung character niya into expressing her sexual self, more openly throughout the movie.”

Sa Tahong ba ay may love scene sila ni Emil Sandoval? “Wala, hahaha! Sayang nga, e,” nakatawang bulalas ng aktres.

Dagdag ni Salome na kilalang adult content creator, “Bale this month may uploads po ako sa Pornhub with Thor Johnson and with Emil Sandoval, hahaha! Kaso maikli lang po, two minutes.”

So sa Pornhub na lang nila tingnan, totohanan pa, tama ba iyon?

“Opo, kasi hardcore porn po ang content ko sa Pornhub, meaning may depiction of actual penetration and explicit views of genitalia. As opposed to softcore porn, which is ‘yung content ng Vivamax, which is simulated sex lang. Meaning, walang actual penetration na nangyayari,” aniya.

Bale, napapayag niya si Emil na sumabak sa ganyan, na X-rated talaga?

“Opo, matagal na po namin pinag-usapan ‘yung interest niya and ‘yung willingness niya to do that with me,” deretsahang sambit ng very accommodating na sexy actress.

BF ba niya si Emil?

“Hindi ko po masabi e, kasi wala pong label ‘yung relationship namin. Pero if I have to describe it, the closest thing to what we have is an open relationship.”

Happy ba siya ngayon, specially with Emil?

“I’m happy with the freedom and acceptance he gives me. I don’t feel like I have to change anything about myself upon entering our relationship, I don’t feel like I have to give up my current work and lifestyle, which is the most important to me.

“Ganoon kalalim ‘yung pagtanggap niya sa akin, kaya definitely ay masaya ako,” nakangiting pakli ni Salome.

Anyway, sa sexy drama movie na ‘Tahong,’ panoorin si Candy na ipaglalaban ang kinabukasan ng kanyang pamilya at kabuhayan, kahit na marami ang kapalit nito, kabilang na ang kanyang sarili.

Si Mira (Veloso) at ang kanyang amang si Moises ay namumuhay nang simple bilang mga magtatahong. Ngunit biglang magbabago ang kanilang mundo nang maharap sa demolisyon ang kanilang tahungan. Sa gitna ng pag-aalsa ng komunidad, mai-stroke si Moises. Para mailigtas ang ama at ang kanilang kabuhayan, hihingi ng tulong si Mira sa barangay captain nila na si Douglas (Emil).

Ngunit may ibang motibo si Douglas, sasamantalahin niya ang kahinaan ni Mira na mauuwi sa isang komplikadong relasyon at mas lalong magpapahirap sa buhay ni Mira. Unti-unti rin masisira ang relasyon ni Mira sa kanyang kasintahang si Goyo (John Mark).

Sa gitna ng kaguluhan, makatatagpo si Mira ng kaibigan kay Talia (Salome), isang kagawad na matagal nang may lihim na pagtingin sa kanya. Magkasama silang gagawa ng mga mapanganib na desisyon upang iligtas ang tahungan, pati na rin ang kanilang kinabukasan laban sa kasakiman at pagnanasa ng ibang tao.

Mula sa direksiyon ni Christopher Novabos, mapapanood ang ‘Tahong’ sa Vivamax simula October 4, 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …