Sunday , November 17 2024
QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  Quezon City Mayor Joy Belmonte kay P/Col. Melecio Buslig, Jr., na iprayoridad ang kaligtasan ng bawat QCitizens.

Personal na sinaksihan nina Belmonte at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang turnover ceremony — ang pagpalit ni Buslig kay P/BGen. Redrico Maranan na itinalaga bilang bagong director ng Police Regional Office 3.

Si Maranan ay miyembro ng PNPA Patnubay Class of 1995 na nagsilbi bilang director ng QCPD at naging hepe ng PNP Public Information Office

Pinalitan ni Maranan sa puwesto si P/BGen. Jose Hidalgo na maagang nagretiro dahil sa planong pagtakbo bilang mayor sa bayan ng Cuyapo sa Nueva Ecija.

Ayon kay Maranan, umaasa siyang ipagpapatuloy ni Buslig ang mga proyekto ng QCPD partikular ang  peace and order sa lungsod.

Binigyan diin ni Belmonte na hindi matatawaran ang serbisyo ni Maranan bilang QCPD director.

“Masasabi ko na si Gen. Maranan ang pinakamagaling sa lahat ng district director sa ilalim ng aking pagiging mayor ng QC,” ani Belmonte.

Naibaba ni Maranan ang crime rate sa lungsod kasabay ng pagpapatupad ng mga polisiya na  makatutulong sa mga residente ng Lungsod.

Hiling ni Belmonte kay Nartatez na huwag dalasan ang palitan ng district director upang maipatupad nang tul0y-tuloy ang programa ng pulisya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …