HARD TALK
ni Pilar Mateo
KUNG may ilalarawang sobrang sipag na producer sa kasalukuyan, na may matinding mga adbokasiya para sa bayan, pangalanan natin siya bilang si Doc Raymond Apacible Aragon.
Dahil kahit nag-abala siya sa paggawa ng teleserye at pelikula, nabibigyang-panahon pa rin niya ang mga bagay na para sa kapakanan ng bayan.
Kamakailan, nagtungo ito sa tanggapan ng butihing Alkalde ng Pasay na si Mayor Emi Calixto-Rubiano, kasama si Atty. Mark Tolentino (Anti-Fake News Task Force KSMBPI) na layuning gawing pormal ang public-private partnership ng Pasay City LGU at ang social media watchdog ng Kapisanan ng Social Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) sa paggawa ng multi-sector Pasay City Anti-Fake News Task Forxe (PC–AFN-TF).
At pagkatapos ay sumegwey na sila sa pictorial at interviews ng kanyang mga artista sa sinimulan niyang proyektong West Philippine Sea.
Ang excited sa pagsasama sa kauna-unahang proyekto nila, ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo. Kasama ang ipinakikilalang si Jacqy Raj na gaganap sa role as Shiela.
Kaya natutuwa si Doc na dahil nga sa sidhi rin ng kanyang mga artistang mapabilang sa proyekto ng libre. Oo may honorarium naman sila pero hindi nagpresyo ito bilang pagkilala at pagtitiwala nila sa nilalayon ng serye na maibahagi sa mga manonood.
In full swing na ang shoot ng WPS na gagamitan ng state of the art techniques ng director, DOP, editor ng pelikula ang mga eksena.
Milyones ang gagastusin ni Doc. At ang tanong nga sa kanya ay kung saan manggagaling?
Simple nga lang daw. Sa mga naniniwala sa pribado man o publikong sektor na mag-aambag sa kanyang ipinaglalaban.
Sa mga artista pa lang gaya nina Rannie at Lance, kasama pa sina AJ Raval, Ayanna Misola, Daiana Menezes, at Ali Forbes na mas naiintindihan na ang gustong tahakin ng serye, proud sila na maging instrumento sa ipamamalas ng istorya ng WPS.