Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto, Apple Dy, Skye Gonzaga Kiskisan Vivamax

Tatlong Vivamax sexy aktres, tinuhog ni Juan Paulo Calma

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAPALABAN sa matinding pagpapa-sexy at love scenes si Juan Paulo Calma sa kanilang pelikulang Kiskisan.

Hindi lang kasi twosome o threesome ang aabangan sa naturang pelikula, kundi foursome pa! Tampok dito sina Robb Guinto, Apple Dy, Skye Gonzaga, at Juan.

Pahayag ni Juan, “Opo, kinaya ko silang tatlo! Kahit na po siguro maging lima pa sila, kakayanin ko.

“Talagang yumayanig po iyong kiskisan sa mga ginawa namin ditong maiinit na love scenes.

“Ang movie po naming Kiskisan kung ide-describe ko, parang tulad ito ng palay na kailangang ikiskis para matamasa ‘yung sarap,” pakli ng aktor.

Ito ang third movie ni Juan Paulo sa Vivamax. Nauna niyang ginawa ang “Ang Pintor at Paraluman” at “Sisid Marino”.

Between Robb, Apple at Skye, kanino ang pinaka-hot na love scene niya?

Tugon ni Juan, “Para sa akin ‘yung pinaka-hot na love scene ko ay ‘yung sa amin ni Skye. Kasi, mayroong minatamis na saging dito, as in sobrang hot.

“Kumabaga, habang naglalampungan po kami ni Skye, kumakain kami rito ng matamis na saging.”

Tiniyak din ng aktor na hindi mabibitin ang viewers ng Vivamax sa kanilang pelikula. “Sobra pong siksik ito sa matitinding love scenes kaya siguradong hindi mabibitin ang ating mahal na viewers sa movie po namin.”

Naka-plaster naman daw siya sa umaapoy na love scenes na ginawa niya rito, pero aminado siyang muntik umalpas ang kanyang junjun.

“Muntik na po na na-ano, pero siyempre nakaipit naman po, hahaha!” Nakatawang bulalas pa ng singer/actor na talent ni Lito de Guzman.

Actually, bilang patunay na petmalu ang mga love scene sa pelikulang Kiskisan, pati direktor nila ay nabanggit ito.

Pahayag ni Direk Bobby Bonifacio, Jr., “Dahil sobrang game silang lahat, itong mga artista rito, iyon, naibigay nilang lahat ang one of the wildest performances of their lives.”

Si Juan ay isang fitness instructor bago sumabak sa showbiz. Siya ay nagsimula sa mga indie film.

Member din siya ng bagong all-male sexy group na Magic Voyz na kinabibilangan din nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane.

Ang pitong barakong ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Viva Records at ng LDG Productions ng talent manager na si Lito de Guzman.

Anyway, ang Kiskisan ay isang sexy-drama movie, ito ay kuwento ng dalawang magkapatid na lumaki sa bukid na nagkahiwalay at muling magkikita matapos ang ilang taon. Babawi sila ngayon ng oras para sa isa’t isa at ipakikilala na rin ang mga bagong tao sa buhay nila, na pagsisimulan ng conflict ng pelikula.

Mapapanood ito exclusively sa Vivamax ngayong September 27, 2024. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …