Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Kira Balinger

Maple Leaf Dreams istorya ng pamilya, pagmamahal, relasyon, at OFW

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAISA muli si direk Benedict Migue sa pelikulang Maple Leaf Dreams. Tulad ng pelikulang Lolo and the Kid na nag-number 1 sa Netflix nagustuhan din namin ang una. Maganda, mayos ang pagkakalatag, nakaiiyak itong launching movie nina Kira Balinger at LA Santos, ang Maple Leaf Dreams na napanood namin sa isang special celebrity at press screening last Friday, September 20, sa Gateway 2 Cinema 12.

Wala kaming expectation sa pelikula na bagamat medyo nabagalan kami noong una nagustuhan naman namin ang istoryang ukol sa pamilya, pagmamahal, relasyon, at usaping OFW. Nabigyan din dito ang kahalagahan ng pag-asa na bawal sumuko, laban lang. 

Ang kuwento ay ukol kina Molly at Macky (Kira at LA), magdyowang nagtungo sa Toronto, Canada para maghanap ng mas magandang trabaho. Kasabay nito, nakararanas sila ng mga personal, propesyonal, at kultural na pag-urot na sumusubok sa kanilang desisyon at kanilang pagmamahal.

Ang pelikula ay isinulat nina direk Benedict at Hannah Cruz na mapapanood ang pelikula sa mga sinehan simula Setyembre 25. Bukod kina Kira at LA kasama rin sa pelikula na nagdagdag kirot sa istorya sina Joey Marquez, Snooky Serna, Ricky Davao, Malou Crisologo, Jong Cuenco, Jeff Gaitan, Hannah Thalia Vito, Luke Alford, at Kanishia Santos. Kasama rin sa cast ang mga Pinoy na nakabase sa Canada tulad nina Benito Mique, Wilson Martinito, at beauty queen Bea Rose Santiago

First time kong napanood si Kira at mahusay pala itong umarte. May isang eksena siyang habang umiiyak ay hindi yata napansing may kasama nang sipon. At nang mapanood muli nila sa big screen ang pelikula muli silang naiyak gayundin ang mga nanood nito.

Nagustuhan din namin ang paglalahad ng mga tunay na OFW na nag-share ng kanilang buhay-buhay sa Canada. Lahat sila’y nagsabing mahirap sa umpisa at back to zero nang magtungo sa Canada. Subalit dahil sa tyaga at pagsisikap, ngayo’y may magaganda ang kanilang buhay. ‘Ika nga walang sarap kung walang hirap.

Kaya for sure kapag napanood ito ng mga Pinoy marami ang makare-relate lalo iyong may mga may kamag-anak na nagtungo sa ibang bansa para makahanap ng magandang trabaho para magkaroon ng magandang buhay.

Ang movie na ito nina Kira at LA ay naging official entry sa katatapos lamang na Sinag Maynila Film Festival 2024 na napansin ang kanilang akting. Nominado sa Best Actor category si LA kasama sina Ronnie Lazaro, Bryan Wong, at Tony Labrusca. Si Ronnie ang nagwagi. Si Kira naman ang nakalaban ni Rebecca Chuaunsu (para sa pelikulang Her Locket) na siyang nagwaging best actress.

Simula Setyembre 27 naman ang mga sinehan sa mga pangunahing lungsod sa Canada, katulad ng: Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton, at Vancouver, ay ipalalabas din ang Maple Leaf Dreams.  First time para sa isang independently produce Filipino film ang maipalabas sa Canada.

I would say it is a wide release in Canada because the chosen locations are typically targeted to play Filipino films,” ani Roselle T. Lorenzo ng Robe Entertainment.

Walumpung porsiyento ng pelikula ang kinunan sa Canada, ilang mga eksena ang nagtatampok ng mga sikat na lugar tulad ng Niagara Falls, CN Tower, Kensington Market, Eaton Center, at downtown Toronto.

Ang paggawa ng pelikula sa Canada sa loob ng ilang linggo ay nagbukas ng mga mata at puso nina Kira at LA sa kagandahan ng “Great White North,” at ang tunay na sitwasyon ng mga Pinoy na nakabase sa Canada. “Kahit maganda na ‘yung buhay ng mga kababayan natin doon, lagi pa rin nilang sinasabi sa amin na gusto pa rin nila sa Pilipinas,” pagbabahagi ni LA.

Ang pelikula ay lumikha ng pag-asa sa mga komunidad ng Fil-Canadian. “Sobrang excited silang panoorin kasi ito ang kuwento nila,” ani Roselle. “Maraming Filipino ang nakaka-miss sa bahay at ang panonood ng pelikulang Pilipino ay ang paraan nila ng pag-uugnay sa Pilipinas,” dagdag pa.

Sa kabilang banda sinuportahan ang celebrity red carpet premiere ng Maple Leaf Dreams ng pamilya at mga kaibigan nina LA at Kira tulad nina Janella Salvador, Jameson Blake, Gillian Vicencio, Ogie Diaz, Mama Loi, at marami pang iba.

Ang Maple Leaf Dreams ay mula da 7K Entertainment, Lonewolf Films, at Star Magic ng ABS-CBN, at ipinamahagi ng Quantum Films sa Pilipinas at Robe Entertainment sa Canada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …