Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rica Gonzales Piolo Pascual

Rica Gonzales, itinuturing si Piolo Pascual na sexiest actor sa bansa 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG sexy actress na si Rica Gonzales ay isa sa inaabangan at madalas na nagpapainit sa maraming kelot sa mga napapanood sa Vivamax.

Siya ay tampok sa pelikulang Silip at tinatapos na niya ang Undergrads. Ang Silip na mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo ay mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio, Jr. Bukod kay Rica, tampok din dito sina Karl Aquino, Lea Bernabe, at AJ Oteyza.

Sa Undergrads movie na isang GL (Girls Love), si Athena Red naman ang magiging partner niya sa pagpapasabog ng mga katakam-takam at pampaganang eksena.
  

Anyway, inusisa namin ang aktres kung nagawa na ba niya ang kanyang dream role talaga?

Esplika ni Rica, “Nagawa ko naman na po ‘yung isa, dream role ko po which is sa Hiraya po. Hindi man po siya pipi talaga, pero kaunti lang po talaga ang linya ko roon and honestly, akala ko po madali talaga iyong role. Pero sobrang naging challenging po siya for me, kasi kailangan niya po talagang maibigay ‘yung emotions thru your eyes lang, kumabaga.”

Sino pa ang mga actor na wish niyang makatrabaho? Aniya, “Gusto ko po maka-work talaga si Angel Locsin, I really admire her po talaga hindi lang po sa acting, kundi kung paano po siya personally.”

Kumusta ang kanyang love life? Okay lang ba sa kanya na makipagrelasyon sa taga-showbiz?

“Wala po akong love life, hahaha!” Nakatawang bulalas ng sexy actress. “Wala naman din pong kaso sa akin if showbiz po, pero mas prefer ko po talaga na non-showbiz po,” dugtong pa niya.

Gaano siya ka-liberated pagdating sa sex?

“I wouldn’t think of myself as sexually liberated po, I’m more of a modern traditional type of girl. Open to sex, but with limitations din.

“Kumbaga po, careful pa rin po ako sa mga actions and things na gagawin ko po.”

Dagdag niya, “Kapag nagmamahal po kasi ako, all out. I always consider the feelings and opinion of my partner. Minsan sa pagiging all out ko, parang ako ‘yung nagiging lalaki sa relationship namin, hahaha!

“Kaya takot din po akong pumasok sa relationship ngayon, bukod sa baka hindi po niya maintindihan or matanggap ‘yung work ko, baka mawala rin po ako sa focus sa career ko, kasi sa career po muna talaga ako nakatutok.”

Nabanggit din ni Rica na naniniwala siyang mahalaga ang sex sa isang relasyon.

Esplika niya, “Importante naman po, pero mas mahalaga na compatible kayo and komportable sa isa’t isa sa relasyon. Iyong tipong nagkakaintindihan kayo, intellectually and give and take ‘yung relasyon.”

Sino ang itinuturing niyang sexiest actor?

“Ang sexiest actor po siguro for me is Piolo Pascual po.

Sexiest siya for me kasi I really admire the way he works hard po to achieve kung nasaan na po siya ngayon. And siyempre po, yummy talaga si Papa P, hahaha!” pabungisngis na sambit pa ni Rica. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …