Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Lani Mercado

Sen. Bong at Rep. Lani, may solid na pagmamahalan, kaya relasyon ay matatag

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NANGHIHINAYANG si Sen. Bong Revilla dahil hindi natuloy ang kanyang dapat sana ay entry sa gaganaping 50th edition ng Metro Manila Film Festival.

Pahayag niya, “Dapat iyong Alyas Pogi ay gagawa tayo for Metro Manila Film Festival. Sana this year, ang problema ay naputulan tayo ng achilles tendon, sa day one mismo, sa first day ng shooting mismo, kaya hindi natuloy.”

Pero nabanggit din ng aktor/public servant na bandang third week ng December ay mapapanood naman siyang muli sa television sa pamamagitan ng kanyang show na Walang Matigas na Pulis, sa Matinik na Misis sa GMA-7.

“Mag-start na ako ng taping next month for Walang Matigas na Pulis, sa Matinik na Misis. So, mapapanood tayong muli sa telebisyon sa December 22, Sunday before Christmas.”

Aminado si Sen. Bong na hindi rin niya talaga kayang iwan ang pag-arte sa harap ng kamera.

“Ay hindi, hindi… kasi bread and butter natin iyan and first love natin iyan e, hindi ba?” Nakangiting sambit ni Sen. Bong.

Next year kaya matutuloy na ang paggawa niya ng pelikula?

“Iyong movie yes, gagawin ko iyan dahil ipinangako ko iyon. Dapat nga ay iyon ang ipalalabas for this year’s Metro Manila Film Festival.

“Unfortunately, hindi nga nangyari, kasi hindi ba, ngayon ay 50th year ng Metro Manila Film Festival? Sayang nga e, sayang, dapat ay nakasali tayo. Pero at least I’ve tried, pero wala e.”

Nakapanayam namin sina Sen. Bong at Cavite Second District Representative Lani Mercado nang binista ng aming media group na TEAM (The Entertainment Arts & Media) ang dalawa sa office ni Senator Bong sa senado. Dito’y binigyan din ng TEAM officers ang dalawa ng plaque of appreciation bilang pasasalamat sa walang sawang suporta nila sa aming grupo.

Inusisa namin ang aktres na mambabatas kung ano ba ang kanyang beauty secret?

Nakangiting sagot ni Rep. Lani, “Si Senator Bong, hahaha! Bale ano, happy lang. Happy inside and out.”

Pakli naman ni Sen. Bong, “Enjoy lang ang buhay. Kapag nagtatrabaho ka at tumutulong ka sa tao, ang sarap ng pakiramdam. Nakapagpapaligaya ka ng tao through movies, television, hindi ba? At saka iyong public service, ‘yung mga batas na ginagawa natin na nakatutulong sa kanila.”

Nalaman din namin na 38 years na pala silang mag-asawa. Ano nga ba ang sekreto ng kanilang matibay na marriage?

Esplika ni Rep. Lani, “We are married for 38 years this year. Ang sekreto? Basta nagkakaintindihan kaming dalawa, iyon ang mahalaga. We understand each other.

“May arguments pero hindi na ganoon kabigat. Nasa mid-life na kami, ‘yung sense of maturity namin medyo mataas na. Hindi na namin pinahahaba kapag may tampuhan.

“At saka we have ano, may extra effort kami to look good for each other.”

Ayon naman kay Sen. Bong, “Natural lang iyan sa mag-asawa, pero hindi na…Wala, huwag mong tutulugan maski noon pa naman, kaya kami nagtagal.

“Kapag may problema before you sleep, tapusin na. Para paggising mo ay wala nang problema,” esplika naman ni Sen. Bong kapag nagkakaroon sila ng tampuhan ng magandang aktres/public servant.

“At saka kapag galit ang isa, tahimik na iyong isa,” dagdag ng veteran action star.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …