Saturday , December 21 2024

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew dahil sa may pasok ka mula Lunes hanggang Biyernes?

Kailangan mo pa bang mag-file ng leave o mag-absent para lamang maasikaso ang inyong dokumento sa Land Transportation Office (LTO).

Kung kabilang kayo sa mga tinutukoy natin, huwag nang mangamba dahil hindi mo na kailangan pang mag-leave o umabsent sa trabaho. Ganun ba? 

Tama ang inyong nabasa, huwag nang mangamba dahil sa… ang LTO na mismo ang gumawa ng paraan para maasikaso mo na ang inyong pasong lisensiya at iba pang kailangang dokumento sa ahensiya.

Ginawan ng solusyon ito ng LTO o masasabing may good news ang ahensiya sa inyo.

Ang solusyon…bukas na…yes, bukas na ang LTO tuwing araw ng Sabado kaya sa mga empleyado na ayaw mag-absent o mag-leave para maasikaso ang kanilang mga dokumento sa LTO, heto na ang inyong pagkakataon.

Maaari na kayong magtungo, oo,  magtungo sa alinmang opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila tuwing araw ng Sabado kung wala kayong oras na  makipagtransaksiyon sa ahensiya ng weekdays.

Yes, Metro Manila pa lamang po ang abot ng program. Pero huwag mag-alala kayong mga nasa probinsiya, darating din ang araw na maging ang mga lokal na tanggapan ng LTO sa inyong bayan ay magsisilbi na rin sa inyong sa tuwing araw ng Sabado.

Ayon kay LTO NCR Director Roque “Rox” Verzosa III, tuwing Sabado ay bukas na ang lahat ng LTO District/Extension Offices at  Licensing Centers sa Metro Manila.

Layunin ng programa ay upang mapabuti pa ang serbisyo ng ahensiya sa publiko at maserbisyohan ang tumataas na bilang ng mga motorista bukod sa magkakaroon na ng panahon ang mga motorista na mailakad ang kanilang pasong lisensiya sa LTO lalo na sa inyong walang oras sa weekdays o hindi kaya sa mga kukuha rin ng bagong driver’s license.

“We expect that our Saturday operations will greatly assist those who wish to transact business with our offices on weekends. Tuloy-tuloy po ang aming operasyon kahit sa araw ng Sabado upang sa ganoon ay mas maraming tao po ang aming mapaglingkuran,” pahayag ni Verzosa.

Para sa dagdag kaalaman kaugnay sa programa o ano mang transaksiyon sa LTO, hinimok din ni Verzosa ang publiko na bisitahin ang LTO NCR official website para sa iba pang updates at announcements sa www.ltoncr.com.

Hayan ginawa o sinolusyonan na ng LTO ang inyong problema – hindi na ninyo kailangan pang mag-file ng leave of absence o tumakas pa sa inyong opisina tuwing weekdays para asikasohin ang inyong mga dokumento sa LTO.

Tandaan ha, bukas na ang LTO tuwing araw ng Sabado. Iyon nga lang dito palang sa Metro Manila. Hintay-hintay lang kayo riyan sa probinsiya baka, susunod na kayo. Hindi ba LTO Chief, ASec. (Atty.) Vigor Mendoza sir.

Salamat Sir Atty. Mendoza sa programang ito.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …