HATAW News Team
LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Bicol region, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Lovella Guarin, DA Bicol information officer, ang mga kaso ng ASF sa Bicol ay nasa nakaaalarmang estado na.
“Based on the latest monitoring from August to September, there are 19 towns in the Bicol region infected with ASF,” pahayag ni Guarin.
Kabilang ang mga bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay; Baao, Bula, Pili, Nabua, Ocampo, Libmanan, Presentacion, Tigaon, Minalabac, Sagñay, at Iriga City sa Camarines Sur; Pandan, Caramoran, at Virac sa Catanduanes; Cavarera, Dimasalang, at San Pascual sa Masbate; at Pilar sa Sorsogon.
Upang pigilan ang higit pang paglawak ng ASF, pinaigting ng local government units (LGUs) ang mga checkpoint sa bawat hangganan upang mahadlangan ang pagbiyahe ng mga baboy at karne nito mula sa mga apektadong lugar.
“Depopulation measures have been implemented to prevent the disease from worsening and spreading,” dagdag ni Guarin.
Aniya, ang 83 magbubukid naapektado ng ASF at tatanggap ng cash assistance mula P4,000 hanggang P12,000 depende sa antas ng swine production.