Saturday , November 23 2024
Elia Ilano

Elia Ilano, kaabang-abang sa pelikulang Nanay Tatay

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SADYANG ayaw paawat sa paghataw sa kanyang showbiz career ang award-winning child actress na si Elia Ilano.

Aktibo kasi ang talented na bagets sa teatro, pelikula, pati na sa telebisyon.

Isa si Elia sa tampok sa The Miracle Of Fatima Musical Play,  na gagampanan niya ang role ni Lucia Dos Santos. Kasama niya rito sina Sophia Marie Banaag, Ramjean Entera, at Aina Rhycel G. Salazar bilang Jacinta Marto. Natoka naman kina Kian Co at Prince Nathaniel España ang papel ni Francisco Marto.

Kamusta ang rehearsals nila rito?

Tugon ni Elia, “Okay naman po, nag-start po ang aming rehearsals last month pa po.

“The official casts po have been released na po sa lahat ng social media pages ng The Miracles of Fatima which includes my mom, Sherryl Mae, kasama din po sina Kian Co, Radhni Tiplan, Lourdes Canzana, Randy dela Cruz and many more po.”

Pahabol pa niya, “Ang opening day po ng aming play is on December 8, 6PM at Sta. Lucia East Grand Mall 3.”

Inusisa rin namin ang kanilang forthcoming movie titled Nanay Tatay mula sa Viva Films.

Pahayag niya, “Isa po itong “family horror affair”. Ang tagline po is Fear comes home. It is about a family and there is something wrong po na nangyayari sa loob ng bahay nila na dapat ninyo pong abangan.”

Ano ang kanyang role sa movie?

“Ako po rito ang anak nina Ms. Andrea del Rosario and Mr. Jeffrey Hidalgo sa movie na ito, pero there is more po sa pagiging anak dahil ako po ang multo na magpaparamdam sa bahay po namin,” wika pa ni Elia.

Bakit ganito ang title ng kanilang pelikula? “Nanay Tatay po ang title ng aming movie, dahil simula nang nakilala nila yung bagong Nanay at Tatay nila roon ay magbabago po yung buhay nila.”

Dagdag pa ni Elia, “Ang director po namin dito is si Direk Roni Benaid and tampok din po sa movie sina Xia Vigor, Aubrey Caraan, Heart Ryan,  Billy Villeta, at iba pa. Mapapanood na po ito exclusively sa SM cinemas simula sa October 30.”

Nabangit din niya ang reaction dahil lagi siyang maraming pinagkaka-abalahang projects ngayon.

“Sobrang thankful po ako sa mga taong nagtitiwala sa akin and I will never get tired of being grateful po kay God and sa aking patron saint na si Sta. Maria Goretti sa bawat project po na dumadating sa akin,” masayang sambit ni Elia.

Sinabi rin sa amin ni Elia ang iba pa niyang painagkaka-abalahang proyekto ngayon.

“Abangan po ninyo ako sa aming informative children’s TV show ng PTV-4 na “Artsy Craftsy”. Isa po ako sa main hosts dito, together with Kuya Joseph and content creator, Nicollo Cholo. Ito po ay airing every Saturday 10:30-11AM.”

Aniya pa, “Bukod po diyan, makakasama rin po ako sa isang full length movie that will be part of an international film festival, the movie is called, Malik. Kakaiba po ang role ko rito, never ko pa pong nagawa ang papel ko rito, kaya nakaka-excite po talaga.”

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …