Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Athena Red

Athena Red, palaban sa GL na pelikula at role na kabit

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG VIVAMAX sexy actress na si Athena Red ang klase ng hot babe na hahanap-hanapin ng mga barako. Winner kasi ang kanyang beauty at kaseksihan.

Siya ay may dugong Pinoy, Espanyol, at Kuwaiti. Nag-aral siya ng culinary at naging modelo. Ayon kay Athena, siya ay puwedeng sumabak sa pagpatawa, pero seryosong-seryoso ang aktres sa pag-aartista.

Siya ay nasa pangangalaga ng Tyronne Escalante Artist Management o TEAM na pinamumunuan ni Tyronne James Escalante.

Maraming inihahanda ang Vivamax para sa kanya, kaya dapat abangan ng mga kelot ang dalaga. 

Unang nagsabog ng alindog si Athena sa pelikulang Maharot at sinundan ng Ang Pintor at Paraluman.

Pero mas kaabang-abang daw ang next project niya na pinamagatang Undergrads.

Pahayag niya, “Ang role ko po rito, freshman, popular student na member of the school dance troupe. Actually, ‘yung Undergrads po is GL (Girls Love) siya at si Rica Gonzales po ang kapareha ko rito.”

Deretsahan din niyang sinabi na palaban siya sa mga lampungan at sexy scenes, kahit sa kapwa niya babae.

Esplika ni Athena, “Game naman po akong gawin ang maseselang eksena with Rica para sa ikagaganda ng pelikula namin, kahit pompiyangan scene pa iyan, hahahaha!”

Aniya, “Ready po ako and gusto ko rin kasi pong i-try ang GL and very grateful po talaga ako, kasi nabigyan ako ng opportunity para ma-explore and gampanan ‘yung ganitong klaseng role.”

Pahabol niya, “Upcoming movie ko rin ‘yung Sabik. Dito sa pelikulang Sabik, ang role ko naman po ay isang mistress o kabit.”

Liberated ba siya pagdating sa sex? Ano ang pananaw niya sa pre-marital sex?  

Nakangiting sambit niya, “As long as with consent and safe sex ang ginagawa ninyo, there’s nothing wrong with that. Iba na kasi talaga ang generation ngayon, e.”

Saan siya mas daring, sa Undergrads o sa Sabik?

Aniya, “For me, both po na daring ako kasi first time ko po mag-G-GL and first time ko rin naman maging mistress. So, feeling ko lahat ito ay matindi talaga at dapat abangan ng viewers ng Vivamax.”

Paano siya naghahanda sa role ng isang mistress at sa pakikipag-GL kay Rica?

“Part ng preparation ko ay ang pagbabasa ng aking script and kinikilala ko ‘yung character ko and parang ino-own ko na siya or inaangkin ko, na ako mismo ‘yung character…

“Like the way kung paano siya gumalaw, para kapag nasa shooting na ay madali na lang sa akin lahat. And of course, pinaghahandaan ko rin siyempre ang mga bed scene ko, so nag-diet na ako and workout.”

Nanood ba siya ng movies ng mga mistress, bilang paghahanda sa kanyang role?

“Actually hindi ako nanonood, kasi kailangan 

manggaling sa akin ‘yung character ko as a kabit, para mas maging natural ‘yung acting ko.”

Nabanggit din ng magandang aktres na masaya siya sa takbo ng kanyang showbiz career.

“I’m more than happy and grateful because sunod-sunod ‘yung project and movies ko. Then, one week nag-top 1 ‘yung Pintor and Paraluman and nag-number 2 ‘yung Maharot sa Vivamax app,” masayang pakli pa ni Athena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …