MA at PA
ni Rommel Placente
ISA nang Kapuso artist si South Korean actor Kim Ji Soo matapos pumirma ng kontrata sa Sparkle talent management na ilang acting projects ang nakatakdang gawin.
Mas nakilala ng viewers si Ji Soo nang magkaroon siya ng special participation sa hit Kapuso action-drama series na Black Rider at dahil nga rito, napamahal na agad siya sa mga Filipino kaya naman hindi na siya pinakawalan ng GMA 7.
Sa panayam sa Korean star after ng contract signing, natanong ito kung sino sa female celebrities ng network ang gusto niyang makatrabaho sa next project niya?
Sagot ng Korean actor, “I want to work with her because she is a good actress. I’ve watched her few acting scenes, and she’s really good,” sabi ni Kim Ji Soo.
Ang tinutukoy ng K-Drama actor ay si Barbie Forteza ng GMA Prime series na Pulang Araw na gumaganap bilang si Adelina Dela Cruz, isang bodabil actress at kapatid ng karakter ni Alden Richards.