Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mitoy Yonting

Mitoy Yonting, bibida sa Idol live concert

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG premyadong singer na si Mitoy Yonting kasama ang bandang The Drayber ang isa sa mga malalaking pangalang mapapanood sa “Idol” live concert tribute to April Boy Regino na gagawin sa Amoranto Stadium, sa Roces Avenue, Quezon City sa September 2, 2024, 7:00 pm.

Handog ito ng Water Plus Productions ni ex-Mayor Marynette Gamboa, bilang bahagi na rin ng kanilang shooting sa inaabangang bio-flick ng yumaong Idol ng Bayan na si April Boy.

Magiging bahagi rin ng nasabing concert sina Mae Rivera ng sikat na awiting “Array!”, Jackston Bros, comedienne Whitney Tyson at Tina Beso. Tampok din dito ang solong lalaking anak ni April Boy, na isang ganap na recording artist na – si JC Regino.

Hindi lang sa magandang show puwedeng mag-enjoy ang mga dadalo rito, kundi sa daan-daang papremyo rin ang kanilang suwerteng mapapanalunan gaya ng flat screen TV, electric fans, pack of rice, at maraming gift certificates from Sogo Hotel.

Sa nasabing concert, posible rin maging bahagi ng shooting ang mga manonood, kabilang ang mga bituing sina PJ Avellana, Irene Celebre, Hero Bautista, Kate Yalung, Dindo Arroyo, Aileen Papin, Jessica Pica,  Tanya Gomez, at PCSO Director Imelda Papin.

Nandoon din ang biyuda ni April Boy na si Madelyn Regino. Ang pelikula ay sa direksiyon ni Efren Reyes, Jr., at associate director dito si Kaka Balagtas.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …