Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Aljur Abrenica

Hindi po ako taon-taon buntis — AJ Raval

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay AJ Raval ni Julius Babao para sa YouTube channel nito na Unplugged, idinenay niya na may anak na sila ni Aljur Abrenica.

Kamakailan kasi ay may naglabasang mga litrato ng magkarelasyon na may kasamang bata na kuha mula sa isang event na pinuntahan nila.

Ang paniwala ng ilang netizens, baka raw iyon ang anak nina AJ at Aljur na balitang ipinanganak noong kasagsagan ng pandemya. 

Pero ayon nga kay AJ ay wala itong katotohanan.

First of all, hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis.

“Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man ‘yung maraming tao, ako pa rin po ‘yung pinakamasayang tao sa buong mundo,” ang pahayag pa ni AJ. 

Sey naman ng sexy actress sa mga naglabasang chika sa kanya noon at sa natanggap na pamba-bash ng mga netizen, dinedma na lang niya ang mga ito at nag-focus sa mga positibong bagay.  

Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi noong nawala ako, ang saya-saya ko. 

“Imagine, kahit paano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko ‘yung mga tao sa programa na ‘yun. May mga na-inspire ako, bakit ako magpo-pokus sa ganoong bagay, ‘di ba? 

“Actually, hindi ko na siya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu at saka yearly ako buntis, everyday (may tsismis),” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …