Sunday , November 17 2024
Honey Lacuna

Naiwan ng nagdaang administrasyon
P17.8-B utang dalawang dekadang bubunuin ng Maynila – Lacuna  

IBINUNYAG ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ni Vice Mayor Yul Servo ang kasalukuyang kinakaharap ng kanyang liderato ang isyung utang ng Manila government na naiwan ng dating administrasyon.

Ang pagdetalye ni Lacuna ay kanyang ipinahayag sa buwanang Balitaan ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View.

Nabatid na aabutin pa hanggang taong 2044 o dalawang dekada (20 taon) simula ngayong 2024 para tuluyang mabayaran ng pamahalaang lungsod  ang P17.8 bilyong utang na iniwan ng dating administrasyon.

Ito ang ibinunyag na kasagutan ng alkalde nang siya’y hingan ng karagdagang pahayag ng media patungkol sa naturang utang at estado kung kailan inaasahang mababayaran ng Manila government.

Ayon kay Lacuna, sa naiwanang utang na P17.8 bilyones ng dating administrasyon ay nakapagbayad na ang city government ng P2.5 bilyon simula nang siya ay manungkulan bilang punong ehekutibo ng lungsod noong kalagitnaan ng  2022.

“‘Yung laki ng utang ng Maynila, ‘di naman kayang tustusan ng pondong meron lamang kami,” pahayag ng alkalde.

“Nahihirapan kami kasi ang kailangan ng mga tao ay social services. Naaapektohan naman ang kapasidad ng lungsod na tugunan ang mga pangangailangan ng lungsod at Manilenyo… there are more important needs that should be addressed immediately and that would benefit a larger portion of the population,” dagdag ni Mayor Lacuna.

Giit ni Lacuna, ang kanyang liderato ay nakatutok sa mga probisyon at proyekto sa social services kung saan mas marami ang direktang makikinabang na mga residente ng lungsod.

Kabilang sa mga pinaglalaanan ng serbisyo ay ang malaking bilang na aabot sa 203,000 senior citizens,  persons with disability (PWDs) at solo parents na  50,000 ang kabuuang bilang.

Nasa 20,000 naman ang bilang ng mga student beneficiaries mula Grade 12,  mga estudyante sa Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang mga nabanggit na sektor ay nakatatanggap ng monthly financial assistance mula sa lokal na pamahalaang lungsod na nais taasan ni Lacuna ang halaga ng ayuda kung hindi lamang nagbabayad ng obligasyon sa dalawang banko kung saan dating inutang ang P17.8 bilyon.

“Kung wala sana tayong obligasyong ganyang kalaki, mas marami sana tayong tulong na maibibigay sa mga Manileño, matataasan natin ang pambili ng gamot ng mga seniors man lang,” pagtatapos ni Lacuna.

Samantala, inisa-isa ni Lacuna ang mga naging proyekto ng dating administrasyon kung saan umabot sa P17.8 bilyones ang naiwanang utang.

Dahil sa kinakaharap na utang, nakatutok ngayon sa praktikal na mga proyekto ang kasalukuyang administrasyon lalo sa pagpapalakas aniya sa social services na kailangan ng mga residente sa lungsod.

Patuloy rin na inilalapit ng liderato ni Lacuna ang serbisyo para sa mga Manileño sa pamamagitan ng Kalinga sa Maynila. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …