Friday , September 13 2024
Michael Sager Cassy Legaspi Carmina Villaroel Zoren Legaspi

Michael Sager yes agad nang tanungin kung mahal si Cassy

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Michael Sager sa Tonight With Boy Abunda, tinanong siya ni Boy Abunda kung paano niya ilalarawan ang lagay ngayon ng kanyang puso.

Nali-link kasi ang binata kay Cassy Legaspi.

Sagot ni Michael, “It’s happy.”

Hindi naman diretsong sinagot ng young actor kung sila na nga ba ni Cassy tulad ng mga naglalabasang chika sa social media.

Sabi ni Michael, “Being friends from ‘Tahanang Pinakamasaya,’ nag-co-host po kami roon, to having a ‘Regal Studio Presents’ episode with her. It’s great being able to work with her, to have her as a friend.”

Pero inamin niyang may “something special”na talaga na namamagitan sa kanila ni Cassy.

At tungkol naman sa pakikitungo sa kanya ng parents ni Cassy, “Si Tita Mina (Carmina Villaroel), I first worked with her sa ‘Abot-Kamay na Pangarap’ and I didn’t know na we will have a close relationship together. Same with Tito Z (Zoren Legaspi).

“And since I’m alone in the Philippines, my parents are in Canada, to me, they are parent figures and they always look out for me and I really appreciate that,” pahayag pa ng binata.

Sa hypothetical question kung tatanungin siya nina Carmina at Zoren kung mahal ba niya si Cassy, “yes” daw agad ang kanyang isasagot.

About Rommel Placente

Check Also

Ice Seguerra Videoke Hits OPM Edition

Videoke Hits: OPM Edition Concert ni Ice sold out, kinailangang magdagdag ng araw

ISANG linggo bago itanghal ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, ang Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre …

Safe SIM registration Globe

Safe SIM registration ipinaalala ng Globe

NAGPAALALA ang Globe sa mga customer na sundin ang safe SIM registration procedures sa gitna ng mga …

Magic Voyz 2

Magic Voyz magaling magpakilig sa kanilang mga kanta

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ay nagkaroon ng show sa Viva …

Luis Manzano Jessy Mendiola Truth or Dare

Jessy ibinuking muntikang paghihiwalay nila ni Luis

MA at PAni Rommel Placente MUNTIK na palang maghiwalay sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ito ang isiniwalat …

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland deadma sa lovelife, trabaho muna ang uunahin

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT man sanhi ng ‘di nila pagkakaunawaan ng tatay ng kanyang mga anak …