Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rash Flores

Rash Flores walang limitasyon sa paghuhubad

RATED R
ni Rommel Gonzales

AKO rito si Adam. Isa akong Indian National,” pagpapakilala ni Rash Flores sa karakter niya sa pelikulang Wild Boys.

Nagpapautang ako ng 5’6, and then nakapasok ako sa Wild Boys, sa grupo ng Wild Boys, kasi that time na-hold-up kasi ako sa palengke eh, tapos sakto andoon si Roy. Si Roy, siya ‘yung nagbubuo-buo ng grupo ng Wild Boys.”

Ang komedyanteng si Inday Garutay ang gaganap bilang Roy.

Talent ni Jojo Veloso si Rash, na na-discover sa isang kakaibang sitwasyon.

Before po kasi, nagko-construction ako, construction worker ako sa Pampanga, sa probinsiya namin.”

Yes, sa guwapo at macho na iyon ni Rash ay dati siyang nagtrabaho bilang construction worker.

Dati kasi hinahati ko ‘yung oras ko sa pagtatrabaho, tapos sa pag-aaral ko.”

Mga bahay ang pinagtatrabahuhan ni Rash bilang construction worker.

Macho dancer sa gay bar ang papel ni Rash sa pelikula, at minsan sa gay bar, may nagpo-frontal habang nagsasayaw.

Nagpo-frontal? Actually, game naman ako, kung request nila eh, pero wala namang sinabi sa akin na magpo-frontal. 

“Pero mayroon daw akong part dito na… may makikita raw sa akin dito, pero abangan na lang nila kung ano ‘yung makikita sa akin.”

So, if ever naman ay willing si Rash, wala siyang limitation?

Wala akong limitation, actually. Kasi unang-una, nanggaling ako sa director na… kay direk Brillante Mendoza, sa kanya ako nagsimula.

“So, marami akong natutunan sa kanya na kapag artista ka, kailangan laban ka sa lahat.”

Mula sa Bright Idea Production, ang direktor ng Wild Boys ay ang aktor din na si Carlos Morales.

Kasama ni Rash sina Aljur at Vin Abrenica, ang male star na si Kristof Garcia, ang baguhang si Pedro Red, at ang komedyanteng si Inday Garutay.

Latest project naman ni Rash para sa Vivamax ang Init, bago ito ay nasa Bedspacer kasama sina Christine Bermas, Micaella Raz, at Mathew Francisco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …