RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY oppa doctor sa APEX Medical Center. Kasunod ‘yan ng pagpasok ni South Korean actor Kim Ji Soo sa top-rating afternoon drama na Abot Kamay Na Pangarap.
Nagkita na sina Doc Analyn at Dr. Kim Young. Very K-Drama ang feels with matching slow-mo at chemistry overload sa karakter nina Jillian Ward at Kim Ji Soo. Mabilis tuloy ang pag-ship sa kanila ng viewers.
Ani Jillian, “Magaling siyang actor. Very professional. Para sa aming lahat, nakaka-excite kasi Korean actor siya tapos pumasok siya sa show namin. ‘Pag kinausap mo siya, funny din siya at mabait.”
Sagot naman ni Kim Ji Soo, “She’s a good actress and a good person, she’s bright and very energetic.”