Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Alden Richards

Dennis puring-puri si Alden — grabe ‘yung energy parang hindi napapagod

RATED R
ni Rommel Gonzales

HUMBLE si Dennis Trillo. Sa kabila ng katotohanang isa siya sa mga A-lister na artista at multi-awarded actor, nakasayad pa rin ang mga paa niya sa lupa.

Natanong si Dennis kung ano ang pakiramdam na makasama sa GMA historical series sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Tugon ng aktor, “Masarap ‘yung pakiramdam na makatrabaho ‘yung mga superstar, ‘di ba? Feeling mo ka- level ka rin nila.”

O hindi ba, to think na ka-level naman niya ang mga nabanggit, lalo na sina Barbie at Alden, kung stature sa showbiz ang pag-uusapan.

Kung tutuusin nga, mas una pa siyang nakilala bilang artista kaysa mga co-star niya sa serye. Pero iyon na nga, likas kay Dennis ang kababang loob.

Lalo na masarap makatrabaho ang isang Alden Richards, first time ko siyang nakatrabaho. Makikita mo talaga ‘yung passion niya every time magka-eksena kayo, ‘yung energy niya, energy level niya, parang hindi siya napapagod eh.

“Talagang ibang klase rin si Alden Richards,” bulalas ni Dennis.

At siyempre, si Barbie at David, lalo na si Sanya. 

“Masaya ako na makatrabaho sila ulit dahil nakatrabaho ko na sila noon, pero habang lumilipas ‘yung panahon talagang nakikita mo ‘yung growth nila. 

“Si David, lalo na, talagang lagi rin niyang ini-improve ‘yung sarili niya, malaking improvement na ‘yung nakita ko sa kanya simula noon hanggang ngayon.”

Gumaganap si Dennis bilang Colonel Yuta Saitoh ng Japanese Imperial Army, si Barbie naman bilang si Adelina dela Cruz, si Samya si Teresita Borromeo, si David si Hiroshi Tanaka, at si Alden si Eduardo dela Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …