Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jayson Cuento

True to life story ng public servant na si Jayson Cuento, hinahanapan ng bida!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAKULAY pala ang kuwento ng buhay ng isang Jayson Cuento ng Santa Maria, Laguna ayon sa tsika sa amin ni katotong Obette Serrano nang kanyang makausap ang masipag na public servant ng nasabing lugar.

May bahid politika raw ang  takbo nito na kung susuriin, mula sa pagiging SK Chairman niya, hanggang sa maging Councilor ng bayan at tumakbong Vice Mayor pero hindi pinalad na manalo, magandang isapelikula ito.  

Dito namulat ang ating bida sa pangit at masayang kahulugan ng buhay- politika. Iyong makatulong ka na masaya at maganda at ang pangit naman ay ang maging biktima ng dirty tactics in politics.

May nagmungkahi nga na sana gawing pelikula ang buhay ni Konse Jayson.  Action-drama with a touch of comedy daw ang concept, pero  iyong kapupulutan talaga ng aral. Biro nga ni Konse Jayson, kung isasapelikula ang kanyang buhay, may titulo itong “Ang Cuento ng Santa Maria.”

Sa aming choice, puwedeng maging bida rito ang mula sa hanay ng Gen Z idols na sina Ruru Madrid, Elijah Canlas, Derrick Monasterio, at Joshua Garcia.

Puwede rin daw si Ronnie Alonte, na isa rin sa mga ipinagmamalaking personalidad mula Laguna. Bukod kasi sa magaling na dancer si Ronnie, magaling din siyang umarte. Kaya mula sa ilang nakapaligid kay Jayson, may nag-suggest, at bakit naman daw hindi? Nasa tipo naman kasi ng looks and built ni Jayson ang datingang Ronnie Alonte.

Well, ang right choice niyan ay dapat manggaling kay Konse Jayson bago pa siya pumalaot muli bilang Vice Mayor ng kanyang bayan. Pasyal nga tayo sa Santa Maria, Direk Obette.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …