MUKHANG hindi naman nakatutulong ang mga naglalabasang tsika, balita, reaksiyon at video para gumanda ang imahe ni Sen. Jinggoy Estrada sa tao.
The fact is, tila lalo pa siyang nagiging “nega” dahil sa samo’tsaring mga masasakit na salita sa kanya.
Since hearing sessions tungkol sa mga ‘sexual offense items’ hanggang sa present na may nag-viral na video na makikitang nakikipagtalo siya sa isang babae, aba’y laging in the news sa socmed at mainstream media ang senador.
‘Yun nga lang, super nega ang mga komento tungkol sa kanya. Pati mga lumang isyu hinggil sa kanyang pinagdaanang mga laban ay lumalabas at may ilan ngang nagsasabi na bahagi lang ito ng mga pakana ng kanyang mga kalaban sa politika.
Pero ang aming ipinagtataka, bakit kahit ang mga taga-showbiz ay tila “aloof o deadma’ sa pagbibigay atensiyon sa kanya?
Hmmmm….