Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ethan Joseph Parungao

Parungao, wagi sa 2024 AOSI Swimming Championships

NAKAMIT ni Ethan Joseph Parungao, iskolar ng Swim League Philippines, ang limang ginto at tatlong silver sa 2024 Asian Open Schools Invitation (AOSI) Short Course Age Group Swimming Championships.

Ang kompetisyon ay ginanap sa Bangkok, Thailand noong 17-19 Agosto 2024 at nilahukan ng mahigit 600 swimmers mula sa 14 bansa sa Asya.

Nasungkit ni Parungao ang medalyang ginto sa mga sumusunod na event sa kategoryang Boys – 8 years old; 50 SC Meter Freestyle may oras na 00:35.75; 100 SC Meter Freestyle, may oras na 01:22.21; 50 SC Meter Backstroke, may oras na 00:43.33; 50 SC Meter Butterfly, may oras na 00:40.86; 100 SC Meter Individual Medley, may oras na 01:33.10.

Pumangalawa si Parungao sa 50 SC Meter Breaststroke, may oras na 00:51.92; 100 SC Meter Butterfly, may oras na 01:32.59; at 100 SC Meter Backstroke, may oras na 01:34.38.

Nagsimula ang karera ni Parungao sa paglangoy isang taon na ang nakararaan sa ilalim ng paggabay ni Coach Zaldy Lara at Coach Emmanuel Oñate ng Swim Masters Swim Team. Isa si Parungao sa maraming iskolar na sinusuportahan ng Swim League Philippines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …