PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SINASANG-AYUNAN naman namin ang naging obserbasyon at komento ni Karen Davila sa paraan ng pagdinig na ginagawa sa Senado kaugnay ng mga reklamong ‘sexual assault etc,’ in aid of legislation ng mga personalidad na sina Sandro Muhlach at Gerald Santos.
Sey ng matapang na anchorwoman, “stop victim blaming and public shaming,” bilang panawagan sa mga lawmaker na tila umano nagiging ‘marahas’ din sa pagtatanong sa mga nagrereklamong biktima.
Hirit pa nito, “reliving a traumatic experience is horrific, moreso in a public hearing.”
Well, we can only agree.