Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jonica Lazo

Jonica Lazo, palaban sa lampungan!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Jonica Lazo sa inaabangan ng maraming barako sa mga palabas sa Vivamax.

Walang dudang may-K sumabak sa pagpapa-sexy ang aktres na si Jonica na talent ni Jay Manalo.

Bukod sa wow na wow ang kanyang kurbada, malupet ang kanyang sex appeal.

Unang nagpatakam sa mga kelot ang sexy actress sa Vivamax sa maiinit na eksena niya sa pelikulang Higop. Mula rito, nagtuloy-tuloy na siya sa pagsasabog ng alindog at pagbibigay ligaya sa mga suking viewers nito.

Palaban at walang arte sa pagpapa-sexy si Jonica sa mga ginagawa niyang projects. Kaya naman kabilang siya sa mga hubaderang pantasya ng maraming barako.

Sino nga ba sa mga kalahi ni Adan na kayang umiwas sa tuksong hatid ng babaeng tulad ni Jonica? Patok sa mga barako ang taglay niyang kaseksihan at sadyang pansinin ang malulusog niyang dibdib and yummy legs.

Isa sa pelikulang mapapanood ngayon si Jonica ay sa Back Rider, starring Jenn Rosa. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio, Jr.

Incidentally, available na ito ngayon, exclusively sa Vivamax.

Nabanggit ni Jonica ang hinggil sa kanilang pelikulang ito.

Kuwento ng sexy aktres, “Ang casts po nito ay sina Jenn Rosa, Chad Alviar, Aerol Carmelo, at iba pa.

“Ang role ko po rito ay isang kabit na gustong makuha ang lahat gamit kahit sa pagbebenta ng kanyang katawan.”

Sambit ni Jonica, “May love scene rin po kami rito ni Aerol Carmelo… Actually, sobrang daring po ng mga ginawa namin dito, kasi sa iba-ibang lugar po nangyari ‘yung mga love scene namin dito.”

Ipinahayag ni Jonica na wala siyang keber sa pagpapa-sexy o paghuhubad sa pelikula at pagsabak sa mga daring love scenes. Para kasi sa dalaga, ang pagiging palaban niya sa lampungan sa mga proyekto niya sa Vivamax ay bahagi lang ng kanyang trabaho bilang aktres.

Ano ba siyang klaseng lover? Mas type ba niya iyong wild or ‘yung swabe lang?

Esplika niya, “Siyempre roon tayo sa wild, para may thrill, hahaha!

“Kapag kasi swabe lang, madaling matapos ang bakbakan at parang iyon at iyon lang ang kaya niyang gawin, hahaha!” nakatawang sambit ng pilyang sexy actress.

Inusisa rin namin ang dalaga kung sino ang lalaking pinagpapantasyahan niya?

Aniya, “Sa pinagpapantasyahan naman ay si Michele Morrone, siya’y actor from other country. Kasi, kung mapapanood ninyo ‘yung scene sa 365 Days… ay grabe!

“Ang lala ng sexy scenes niya roon and sobrang hot niya talaga, hahaha!” Pahalakhak na bulalas pa ni Jonica.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …