Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Pia Wurtzbach

Heart bumuwelta sa mga umeepal — I own the necklace, I can do whatever I want

MA at PA
ni Rommel Placente

BINUWELTAHAN ni Heart Evangelista ang mga bumabatikos sa kanya dahil sa  pagpapasuot niya ng milyones na halaga ng necklace sa alagang aso na si Panda.

Hindi na nakapagpigil ang Kapuso actress sa mga nangnenega sa kanya sa social media matapos nga niyang ibandera ang mga litrato ng kanyang pet dog na suot ang isang Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.

Ang naturang kuwintas ay nagkakahalaga ng P11-M!

Banat ng mga basher ni Heart, isang kabatusan daw at kawalang respeto sa nasabing luxury brand ang pagpapasuot niya ng kuwintas mula sa koleksiyon ng kompanya sa isang aspin na tulad ni Panda.

May nagkomento rin na halata raw na patama niya ito kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na siya ngayong Philippine brand ambassador ng Bulgari.

Ikinompara pa ng ilang netizens ang kuwintas ni Panda sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang Instagram post last June na may price tag daw na P14-M to P21-M.

Kaya naman sa Instagram Live ni Heart ay ipinagtanggol na niya ang sarili sa mga umeepal sa pagpapasuot niya ng mamahaling kuwintas kay Panda.

I own the necklace, you know. I can do whatever I want, then pull it out. Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it,” sabi ni Heart.

So, Panda is my most spoiled baby girl. So, I don’t understand why people are making it such ano… that I put diamonds on her,” katwiran pa ng misis ni Senate President Chiz Escudero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …