PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MUKHANG deadma naman si Carlos Yulo sa ‘challenge o mungkahi’ ni Manong Chavit Singson na kapag nakipagbati ito sa pamilya (lalo na sa nanay) ay bibigyan niya ito ng P5-M.
Walang reaksiyon ang two-gold Olympics medalist sa hamon ni Manong dahil hindi pa nga siguro ito nakaka-recover sa sobrang saya at pagbibilang ng mga prized money at properties pati na ng tinatamasang kasikatan ngayon.
Pero ang kanyang pamilya ay tila may “patama” na naman sa kanya dahil sa mga socmed post na magkakasama sila sa isang pasyalan at kainan, without him.
Mula sa mga lolo at lola, tatay at mga kapatid, at siyempre ang nanay niya na makikitang magkakasama at masaya na para bang sinasabi nilang masaya sila kahit walang Caloy sa buhay nila.
Nakakalokang drama, pero ngayong unit-unti ng humuhupa ang mga parangal at pagkilala sa Olympian, ano kaya ang kanyang nararamdaman?